Friday, November 21, 2008

Naghahabol-naghahabol!

Hay naku, heto na ang masamang impluwensiya ng sobrang subsob sa trabaho. Ayoko man isubsob, wala akong magawa kundi sumubsob. Kapalit na yata ito ng dagdag na sahod. Dagdag na sahod? Meh ganooon!!!??? (Langyang mga FX na yan, nahawa na ako kay Mr. Foo).

Ilan sa mga na-miss ko ikwento:
Unang-una, ang pagbati ko sa aking mahal na asawang buntis noong Nov.7
Ikalawa, ang unang sulyap namin sa aming baby sa ultrasound. Buo na pala siya kahit wala pang 2 months. Kakatuwa, nagteary-eyed nga si tatay e. T_T
Ikatlo, ang aking pakikiramay sa aking Tiyo at mga pinsan sa Laguna kasi namayapa na ang aking Tiya Nineth.

Ano pa ba... ito lang muna.

Friday, October 10, 2008

Ikariam



Nakaka-adik na browser-based game. But unlike DOTA na kelangan nakatutok ka sa buong laro, this is more relaxed yet has more interesting gameplay. Same level of addiction? Could be.

Mas safe din laruin sa office. Just add another tab in IE/FF/Opera.

Here are my first town's current stats so far (less than a month pa lang ako nakigulo eh):



More details here.

Thursday, October 9, 2008

Cycle of Life

A day after we found out that Mahal is almost 6 weeks pregnat, a sad news about the demise of my mother-in-law's parent came. I guess Lola Oseng had been sick and bed-ridden for almost a year and she wasn't able to travel all the way from Cabanatuan to attend our wedding. Fortunately, we managed to see her twice while she was ok back then and when she'd undergone an operation.

Bye, lola.

Wednesday, October 8, 2008

Daddy Danny?



Speechless. Priceless. =) =) =)

Friday, September 26, 2008

Wooosh!

Weekend again, hay.

Hindi ako makapag avail ng SSS loan dahil may balanse pa raw ako sa huling loan ko 3 years ago. Natural, hindi ko kasalanan yun dahil regular naman akong nakakaltasan. Kung hindi pa ako nag-isip na mag-renew, hindi pa malalaman ng kumpanya. Aasikasuhin naman daw ito kaso sa ngayon tinatamad pa raw itong ka-opisina ko.

'San ka pa?

Monday, September 22, 2008

Post Mortem

A late nice news came. My tita in Canada just made me realize that my lolo wasn't that bad after all. She told me his decision to transfer his pension benefits to my beleaguered Uncle. She tried showing my wedding photos and she said he smiled a lot and even asked how big my own house is.

Sorry po at salamat, lolo.

Wednesday, September 10, 2008

Oldies story

Wala na rin ang lolo ko sa mother side. He passed away last Friday in Canada and I never had the chance to see him or even talk to him, not even once. He might have cared less to his apos, since he didn't even bother getting in touch with my mother when he was still able. Simula nung nakarating 'yun sa Canada, parang wala siyang iniwan na mga anak dito sa Pilipinas. May tig-tatlong tito at isang tita ako doon at dito, pero yung dalawang tito na nandito ay namatay na rin. Minsan iniisip ko kung ano ang nararamdaman ng nanay ko sa gan'ung ugali ng lolo ko. Madalas na nga lang sabihin niya sa akin yung laging sinasabi ng tatay n'ya bago mangibang bansa. Wala na raw siyang pakialam kung makapagtapos sila ng pag-aaral, bahal na raw sila sa mga buhay nila.

Maybe that's why wala masyadong impact ang pagkawala niya sa akin.

I only have one living grandparent who is now suffering from severe Alzheimer's. Asawa ng kamamatay lang na lolo ko. Itong lola kong 'to, nakapagbalik-bayan pa (1990's yun) and kahit papaano nayakap kaming mga apo niya dito sa Pinas. I won't forget one ocassion na kumanta siya as I played the guitar. Hindi nga lang kami nagka-usap nang matagal. Ngayon, may sariling mundo na siya.

Anytime soon, darating na ulit si Father Time to adjust generation wheel.

Friday, August 29, 2008

Photofunia

Check their website, click me.


High and Low

Sobrang busy na naman this month, muntik nang maging lowest record ang August posts ko this year.

Pakiramdam ko tumaas ang confidence level ko sa pagsasalita pero bumaba naman sa pagsusulat.

Paano kasi, relaxed na relaxed ako sa interview session ko sa Telus. Wala rin gaanong pressure sa 3-day meetings with one of our biggest clients along with our foreign partners. Wala masyadong nose bleed.

Sa bago kong sideline ako nangangarag. This month I was welcomed by Writers.ph as one of their freelance writers. Nung nag browse ako sa mga available writing jobs, potek, wala akong masimulan! Ang higpit sa writing standards at ambibigat ang topics! Dun ko nalaman na marami pa akong dapat na kaining bigas.

Wednesday, August 13, 2008

bits and pieces

Plano namin ni mahal sa December siya magbubuntis, pero due to insistent friends' and relatives' demands, imu-move namin nang mas maaga. Like this month na. So by end of August, magkakaalaman na kung positive. =)

***

Hay naku, may medals na ang Taiwan, Thailand, Indonesia at Vietnam sa Beijing Olympics. Tayo? Wala, puro dada lang kasi.

***

Kung totoo man yung binalita ni Jiggy Manicad na nasaksihan niya kung paano mag-agaw buhay ang isang sundalo sa loob ng apat na oras na paghihintay para madala sa pagamutan, hindi na kataka-taka kung ilan pang Trillanes, Faeldon at iba pang sundalo ang mawawalan ng pag-asa sa militar natin.

***

Heto pa, kahapon di raw makita yung 34M USD na nakuha sa yaman ni Apo Makoy. Tapos ngayon, accounted na raw ng COA. Ang bilis, no?

Thursday, August 7, 2008

The Rush Hour Commute - Day 3 Result

Day 3: LRT is tops again; jeepney is last
Philippine Daily Inquirer
First Posted 05:50:00 08/07/2008


MANILA, Philippines -- The train kept a-rollin’—and took people to their destination in a jiffy.

On the last day of the “Rush-hour commute” race of the Philippine Daily Inquirer and INQUIRER.net on Wednesday which covered the Baclaran to Monumento route, the LRT emerged as the fastest and by far still the best mode of transportation in Metro Manila.

The race was aimed at determining the fastest and cheapest commute during rush hour.

Team LRT, composed of Tere Cruz and Tsai Montegrande of Philippine Daily Inquirer and Izah Morales of INQUIRER.net, found the queue at the ticket booth of the Baclaran station surprisingly light at 8 a.m., considering it was a Wednesday.

In two minutes the women of Team LRT were inside the train. They noticed that it needed repairs because some of the lights were not working. They also felt warm inside the air-conditioned coach.

The bulk of passengers came from the EDSA station; more were seen boarding from the Libertad and Gil Puyat stations. By that time the train was a standing-room-only affair. But the volume of passengers began to thin out as the train approached the Vito Cruz station.

The team arrived in Monumento in Caloocan City at 8:34 a.m. after traversing 15 kilometers and 18 stations. The best part of it all: not a whiff of pollution as the train whizzed by.

Convoy

Team Car, composed of Tessa Salazar, Maricris Tamolang, Emman Cena and Amy RaƱola of Inquirer and Alex Villafania of INQUIRER.net, led a four-vehicle convoy and took one hour to complete a 17-kilometer stretch.

It traversed Roxas Boulevard, Burgos Avenue, McArthur Bridge going to Sta. Cruz, Manila, Abad Santos and Rizal Avenue. Numerous choke points, such as the stoplights at nearly every intersection along with the unpredictable jeepneys, slowed the team down.

The fuel consumption estimate for the Mercedes Benz S-Class (3.5 liter V6 engine) for the stretch was P212 to P219 (consuming 3.66 liters of gasoline). The 1.3-liter Toyota Vios consumed about P50 (0.84 liters). The Toyota Prius hybrid car (electric-gasoline engine) consumed P56 to P58 (.97 liters—surprisingly more than the Vios), and a 1.1-liter Chana Multicab needed 2.10 liters of gasoline, or P120 to P126 at prevailing pump prices.

Devotees

Team Taxi, composed of Ken del Rosario of Inquirer and Jane Octia of INQUIRER.net, reported that the cab driver suggested a shorter route to Monumento. But they could not take that route because of the traffic buildup. According to the cab driver, the traffic gets worse at around 10 a.m. when devotees flock to the Baclaran church.

The only delay it encountered was a gridlock on Quirino Avenue in Manila and a traffic buildup on 5th Avenue in Caloocan.

Team Taxi finished third. It paid P175 for the 56-minute trip.

Detour

Team Jeepney, composed of Pocholo Concepcion and Fran Gumapac of Inquirer and Lawrence Casiraya of INQUIRER.net, finished last and discovered riding the jeepney from Baclaran to Monumento was an exercise in stress management.

There were moments when it was like getting caught in a long funeral hearse; and then suddenly it felt like being rushed in an ambulance.

Finding the jeepney itself was difficult, especially if one has not traveled the route in a long time. A rerouting scheme in Baclaran has forced the jeepneys coming from Monumento via Mabini Street to make a detour in Pasay Rotonda. Standing on F.B. Harrison St. near Baclaran, the team were left with no choice but to take two rides—first was to board a Divisoria-bound jeepney, get off at Harrison Plaza across the Bangko Sentral, and then wait for another jeepney bound for MCU.

The first ride got stuck in a choke-point on Roxas Boulevard’s service road a few meters away from Heritage Hotel, before it slowly wound its way to make a U-turn along EDSA Extension and then turn right to F.B. Harrison in Pasay City. Traffic slowed down at the corner of Libertad St.

It took around 20 minutes waiting for the second ride at Harrison Plaza. Another slowdown occurred at the Manila Zoo approaching Quirino Ave.

Like Schumacher

Traffic was light along Mabini all the way to T.M. Kalaw and Taft Avenue—which goaded the jeepney driver to step on the gas and race like Michael Schumacher on a rampaging comeback.

It was a relief that Rizal Avenue in Sta. Cruz, Manila has been reopened to vehicles; however, the pockmarked road jarred the senses and seemed to transport the team in a rough rodeo game.

Demolished shanties

The scene was depressing on Blumentritt Street, where demolished shanties left a mother and her child staring into space beside a few belongings.

The entire trip took two hours and 10 minutes. Fare was P25.50—P8.50 from Baclaran to Harrison Plaza, and P17.00 from Harrison to Monumento. Those who can catch the jeepney from Pasay Rotunda will pay only P23.00.

Everything would’ve been bearable, except for the air pollution. Reports from Tere Cruz, Tessa Salazar, Pocholo Concepcion and INQUIRER.net

Tuesday, August 5, 2008

The Rush Hour Commute - Day 2 Result

Team LRT 2 wins Day 2 of 'Rush Hour Commute'

Aug. 05, 2008 10:50:00
MAKATI City, Philippines – After a tight and exhilarating day two of the Rush Hour Commute, Team LRT 2 finishes first in the race from Santolan in Pasig City to C.M. Recto in Manila.

Experiencing a warm and shaky ride in one of the carriages of the LRT 2, Cita Goyagoy, Rissa Camongol and Lyn Rillon of the Philippine Daily Inquirer (PDI) and Izah Morales of INQUIRER.net arrived at their final destination in 33 minutes after leaving Santolan and spending P15 each.

The Rush Hour Commute is a race involving four teams from the Philippine Daily Inquirer and INQUIRER.net volunteers taking a train, bus, jeepney, taxi or car in three routes in Metro Manila during a rush hour from August 4 to 6.

The concept of the race is to determine the cost and time spent getting through pre-selected routes in Metro Manila. For Day 2, the teams races from Santolan in Pasig to C.M. Recto in Manila.

Team CAR, composed of Abel Ulanday and Fran Katigbak of PDI and Janie Octia of INQUIRER.net, finished second after being bogged down by traffic in Cubao and Legarda in Manila and witnessing two jeepneys collide, causing slight and brief congestion in Magsaysay Blvd.

Despite the delay, Team CAR cruised to the finish line in an hour and nine minutes, spending a total of P180 and traveling 12.8 kilometers. Team CAR reported consuming about two to three liters of gas.

Team TAXI made up of Ernie Sarmiento of PDI and Lawrence Casiraya of INQUIRER.net finished third without the frustration of hailing cabs and negotiating with taxi drivers, which was the experience of Team TAXI on Day 1 of the race. It took Team TAXI an hour and seven minutes to reach the finish line, costing them a total of P190.

Team JEEPNEY, composed of Cenon Bibe of PDI and Alex Villafania of INQUIRER.net finished last after having to switch rides in Cubao from Santolan to take a jeepney ride to Divisoria. There are no direct jeepney routes from Santolan to C.M. Recto. It took Team JEEPNEY 1 hour and 26 minutes and P27.50 each to get to their final destination.

For Day three of the Rush Hour Commute, the volunteers will be traveling from Baclaran to Monumento.

Accounts of the race, photos and videos of the volunteers are posted on the Rush Hour Commute site. The results of the race will also be summarized in the Talk of the Town section of the Philippine Daily Inquirer on Aug. 10.

Posted by : Erika Tapalla

Monday, August 4, 2008

The Rush Hour Commute - Day 1 Result




DAY One of the “Rush Hour Commute” ended with Team MRT winning the race from Trinoma North Avenue in Quezon City to Taft Avenue in Pasay.

Team MRT is composed of Amy RaƱola and Penelope Endozo of the Philippine Daily Inquirer (PDI) and Janie Octia of INQUIRER.net.

The Rush Hour Commute is a race composed of four teams of volunteers taking a commuter train, bus, jeepney, taxi or car in various parts of Metro Manila at 8 a.m. on August 4-6.

The idea is to compare the costs and determine how long it takes for ordinary Filipinos to travel from one point to another during the rush hour. Day Two of the race will be from Santolan in Pasig to C.M. Recto in Manila while Day Three will be a commuter race from Baclaran in Paranaque to Monumento in Caloocan.

Team MRT suffered delays due to the large volume of people queuing at the North Avenue Station during Monday morning traffic. People swelled at the MRT ticket booths as passengers started trickling in. The team even had to leave a teammate behind since she did not make it to the starting line in time for the race. In the end, Team MRT still managed to finish first. Each team member spent P15 for the trip.

Team CAR, composed of Elvira Mata and Steph Asuncion of PDI and Alex Villafania of INQUIRER.net, finished second despite slight delays in leaving the starting point. Team CAR also stopped to gas up toward the end of the race.

Team TAXI, made up of Grig Montegrande and Kiko Gopez of PDI and Lawrence Casiraya of INQUIRER.net, had the most difficult time as they tried to hail a cab under the rain from SM North Station. Team TAXI was only able to get a cab more than 30 minutes after the race started. By the time they were finally able to hire a cab, Team MRT had already reached the finish line. As they braved Edsa traffic, members of Team TAXI said they had a lively discussion with their cab driver Jojo who was ranting about the effects of the oil price hike. Team TAXI spent a total of P180 for the trip.

Team BUS, composed of Iris Desvarro and Nita del Rosario of PDI and and Izah Morales of INQUIRER.net, was the last team to arrive at the destination. Team BUS took two hours to get from Trinoma in Quezon City to Taft Avenue in Pasay, listening to old songs from the bus as they plied the Edsa route. Members of the team spent P40 each to get to their destination.

Accounts of the trip, photos and videos of the volunteers are posted on the Rush Hour Commute site (www.inquirer.net/rushhourcommute). The results will also be summarized in the Talk of the Town section of the Philippine Daily Inquirer on Aug. 10.

Monday, July 28, 2008

weekend watchables

WALL-E

Another masterpiece from Pixar!
My rating: 8 of 10 stars

WANTED

Angelina is still hot!
My rating: 6 of 10 stars

MEET DAVE

He's not as funny as Dr. Doolittle.
My rating: 5 of 10 stars

PROM NIGHT

Trying hard to make you scream.
My rating: 4 of 10 stars

THE LOVE GURU

Trying hard to sell old jokes. Austin Powers is a little funnier.
My rating: 4 of 10 stars

Wednesday, July 23, 2008

anti-stress online canvass

I found this very nice website that brings out the artist in me (naks). Visit http://bomomo.com/, kudos to Philipp and Nikolai!

Here's my first outburst of accidental creativity:



Then a more studied approach:



Cool, huh? Try it.

Tuesday, July 22, 2008

Greedy Sony

I was surprised and amused after discovering that Sony (the manufacturer of my Vaio laptop) have disabled the audio signal recording TO PREVENT PIRACY, based on one Sony laptop reviewer. If this really is the reason, I would say that this is a very lame anti-piracy effort for the giant company. Parang sinabi nila na hackers and music pirates ang buyers ng Sony laptop. I don't know if other companies have also disabled this standard audio feature in their machines, but I'm pretty sure it won't help at all in protecting Sony Music artists from piracy. My old Thinkpad could have scored a lucky punch if such weakness was dicovered earlier. Don't know what I'm saying? Read here.

Friday, July 18, 2008

File permission error! T_T

I'm back and seeking for vengeance. I can't help but to spatter in this blog my frustration while using MS Word 2007. I lost my two oh-so important documents in a span of three days and it really got into my nerves. Tried cheking the Web for possible solutions or even simple, straightforward explanation but went in vain and even encountered similar grievances among fellow Word 2K7 users. How pathetic.

***

Later today I'll send my boss an email requesting for a four-day work week. If granted, mahal and I will be saving more than 500 pesos every Wednesday. A 10-hour work day (in lieu of this request) isn't bad at all, since we always arrive in the office as early as 7am and leave at 6pm.

Wednesday, July 9, 2008

Waiting for E-Six

Mali ako, dapat kumain ako nang mas maaga para nakarating sa SSS at least before 7am. Ang nangyari, 7:30 na ako nakapagbigay ng form na ang katumbas ay apat na oras na paghihintay. Apat na oras na nakatayo ay 'di biro. Hindi ka naman makapagreklamo dahil ganito na talaga kakupad ang proseso. Parang bumabalik ka sa medieval ages.

***

Nakakatuwa at naging magka-kapit bahay pa kami ng aking dating highschool mate na si Christy. Kung di ako nagkakamali, first hanggang fourth year ay magkaklase kami. She has her own family na rin... grabe, tanda na talaga namin.

Monday, July 7, 2008

Tidbits

* Absent ang mahal ko ngayong Lunes courtesy of Kancura herbal tea.

* Panalo ulit ang Ginebra kagabi, yey!

* Parang patamad nang patamad na ang mga tao ngayon. Kaninang 6:30am, pagsakay ko ng FX mula megamall papuntang tektite, napansin ko yung dalawa pang pasahero na wala pang 200 meters ang tinakbo ng biyahe nila eh, bumaba na. Hindi sa pakialamero ako, pero kung nilakad na lang nila yun, bukod sa nakatipid ng 12 pesos, nakapagsunog pa ng calories. Pero sige, baka naman di nila kailangang magtipid, o kaya naman masakit ang mga paa nila.

Monday, June 30, 2008

Win win

What a way to rev up the brand new week... Nanalo si Pacquiao, nanalo ang BGK. Enough energy boost for another batch of bids, meetings and emails.

Wednesday, June 25, 2008

Point and shoot


Nasaan ang "GAMING"??? Pacor, este Pagcor tarpaulin inside MRT station


Tha Marina Bay, Singapore


Singapore's F1 pitstop and floating stage as viewed from Ritz Carlton Hotel


Balik sa Pinas: Ang Jeep na malupit!!! Byaheng Crossing-Ugong (Pasig)

Monday, June 23, 2008

Uniquely been there...

Marami akong gustong i-kwento sa tungkol sa pagpunta ko sa Singapore pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi dahil sa sobrang excited ako. It's just that wala masyado akong iku-kwento.

Huh?

***

Hindi ko naman nalibot ang buong Singapore so in fairness kay pareng Metro Manila, I won't make any comparison. Para makakuha kayo ng kumpletong impormasyon tungkol sa Singapore, check n'yo na lang wikipedia.

***

Ang mga sumususnod ay pansariling obserbasyon sa bansang ito batay sa aking karanasan sa loob ng apat na araw na pamamalagi roon:

1. Mainit din dun (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
2. Maraming puno at halamang bulaklakin sa highway
3. Parang 4 out of 10 na makakasalubong mo ay hindi Singaporean batay sa kulay at pananalita
4. Halos walang traffic build ups (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
5. Walang visible na usok na lumalabas sa mga sasakyan na ang normal na takbo ay 80-90 kph sa highway na mala-C5.
6. Legal ang sex work
7. Walang kanin at gravy sa KFC na nagtitinda rin ng Pizza Hut
8. Ang "Take Out" at "Dine In" ay "Take Away" at "Eat Here" sa kanila
9. Mahal ang cost of living
10. Maliwanag na maliwanag ang mga ilaw ng kalye at malls sa gabi

Monday, June 16, 2008

Commuter woes

Things that almost turned on my Monday mayhem mode again:
1. Overshooting the trike stop.
2. Blocking the ticket machine because he is yet to get his MRT ticket from his wallet.
3. Leaving the FX on the right side and hassling other passengers because he's seated on the left most side.

Kung hindi ko lang kasama ang mahal ko... hay naku.

***

My first plane ride tomorrow courtesy of a company-sponsored trip in Singapore. Need to skim over Air Travel for Dummies, baka mahalata ako, hehe.

Thursday, June 12, 2008

Sayang

Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako't di ako umabot sa sale ng Rudy Project last week dito sa Tektite. Yung mga items na sana nabili ko, puro regular priced na sa mga malls. Pumunta ako sa office nila and unlike other distributors holding offices here in Tektite, they don't entertain walk-ins. Sayang talaga, lalo na yung luggage na 7K plus na naging 3.2K na lang.

Friday, June 6, 2008

Oh Pepe, where art thou?

Kung hindi pa nagbalik-bayan Uncle ko, hindi ko mararamdaman ang papalapit na Araw ng Kalayaan. Pinasyal namin siya sa Intramuros two weeks ago at mukhang nag enjoy naman siya.

Sa hirap ng buhay ngayon, magdadalawang isip pa ang isang pamliyang pinoy sa pamamasyal sa Intramuros. Sa Fort Santiago, may entrance fee na 50 pesos. Pwera pa yung mga minimal charges sa portion ng Rizal Shrine (10 pesos). Sa Casa Real naman, 25 pesos. Di mo naman mae-enjoy nang husto kung maglalakad ka lang sa mga kalye at papasok sa dalawang antigong simbahan na nand'un.

So sa isang pamilya ni Juan na may apat na anak, kelangan niya ng at least 500 para sa isang araw na sulit na pamamasyal sa Intramuros. Paano kung si Juan ay nakiki-boundary lang sa tricycle o patanggap tanggap lang ng trabaho sa construction? Walang kaso sa mga turista kaso sana may subsidized portion pa sana ang gobyerno para sa mga tumatangkilik ng sariling atin.

***

Nakakagaan ng pakiramdam kapag naa-appreciate ng ibang lahi ang kasaysayan natin. Nabasa ko kasi yung visitor's logbook ng Rizal Shrine, gaganda ng comments nila tungkol kay Rizal. May mga nagbigay rin ng donation para sa museum. Kung pwede lang sana na mas madalas ako makaramdam ng kasiyahan dahil sa pagiging Pinoy ko, hindi tuwing may boxing lang si Paquiao.

Thursday, June 5, 2008

War zone

Isa na namang madugong araw. Tambak ang mga dokumentos sa mesa ko. Kahit anong ayos, gugulo at gugulo sa dami ng mga papel. Well, kaya nga technical documentation. Makes sense, somehow.

2 urgent projects plus documentation plus unlimited "paki." Paano ako makakatapos nito? Hay naku.

Friday, May 30, 2008

need salbabida

Kung sino ang makasalba, siya ang bida.

Wala lang.

Mukhang nagkakatotoo na yung pagyari sa akin, a. I'm involved in 3 projects plus the regular documentation work. Medyo hirap akong maisingit yung mga "on the side" ko. Sinusulit ako ng kumpanya, hehe.

Happy weekend na lang sa lahat.

Tuesday, May 27, 2008

Thursday, May 22, 2008

Tosgas

1,165 pesoses ang gastos namin ni mahal sa isang linggo sa pamasahe pa lang. That is 4,660 per month. Para na ring gumagastos ng pang gas kung may sasakyan. Again, wala pang pagkain dun. Though this is inclusive of waking up at 4am, slight traffic, minor bumping and shoving and a little sweating.

If I can only change this ritual in a snap. Or how about a thousand snaps?

Tuesday, May 20, 2008

Power of prayer

Sana makumpleto na namin ang renovation ng bahay at makalipat na kami this June. Divider sa kwarto, tiles sa ground floor, granite sa kitchen at pintura na lang ang kulang para pwede nang lipatan. Sa susunod na lang yung bakod, cabinets and exhaust system sa kitchen.

Buti na lang at may bagong biyaya na darating. Sana tuloy-tuloy na ito.

Monday, May 19, 2008

Bump

Just filling in the gaps. I have nothing much to type. It's not that my life is getting less and less interesting. Blogger's block. Could be.

Yesterday was a great Sunday. Watched an action movie with my family, visited my 'still under renovation' house, went to church, had a quick habulan with mahal's askal 'Bogart,' and got a long sleep. Oops, I almost forgot, BGK won, woohoo!

Tuesday, May 13, 2008

Masikip ba kamo sa MRT/LRT?

Medyo nabawasan na ang init ng ulo ko tuwing nagkakasiksikan sa MRT. Bakit? Watch this...

Friday, May 9, 2008

In a dash

Apparently, naging buong week ang toxicity. Di ko halos naramdaman na weekend na naman pala. Parang time machine. Pero parang ang dami pa ring dapat gawin. Ano 'to, loking forward to Monday?

Monday, May 5, 2008

Radioactive Monday

Sanay na ako bumangon ng 3:30am just to arrive in the office @ 6:30. Iwas trapik, iwas init ng ulo (though tambak na ang tao sa MRT kahit wala pang 6, salamat sa mabibilis na ticket booth attendants). Need to sleep naman by 9:30pm which is very hard to get. New bodyclock sked, new marital status, new home, new life.

I have tons of toxic things to finish today. Ho-hum...

GISEEENNGG!!!

Saturday, May 3, 2008

Hikab

Heto bantay bantay sa opisina
Pantry, banyo at iba pa
Inaayos, pinapaganda
Busog naman pero luwa na ang mga mata
Sa kakatutok sa laptop at kakabasa
Wala lang ako magawa
Kundi sumubok maglaro ng mga salita
Habang ang oras ay unti-unting nawawala

Wednesday, April 30, 2008

What where when...

Friday - overnight sa office para magbantay sa mga nagre-renovate ng pantry at comfort room. 3 movies napanood ko that time: United 93, Cloverfield and 11th Hour. Syempre, kasama ko si mahal sa pagpupuyat. Actually, sinamahan niya ako pero ako lang ang hindi natulog.

Saturday - watched eliminations of Musikapisanan 3 (church choral competition)

Sunday - started the kitchen renovation of our house. gastos na naman, haaay.

Monday - went to DFA for appearance, then to Makati Med for voluntary blood donation. Later in the evening, dinala namin sa hospital yung kapatid ko because of a ruptured vein in her leg. Buti na lang di na kinailangan ng opera. Pinauwi rin ng doktor.

Tuesday - 2am na nakauwi galing hospital. Work work work.

Wednesday - received a GC as token for my "unselfish effort" after I gave some blood last Monday. Still waiting for other blessings, maaga pa naman. =)

Thursday, April 24, 2008

Which is which???

As of this writing, I'm playing around with my new baby (Sony VAIO NR260E/W). Mestiza siya (white color kaya medyo dumihin, dugyutin pa naman ako) at malaking bulas (15.4-inch widescreen, 6.2lb). I'm about to put her pic here using my camera phone via infra-red kaso wala siya nun. Via Bluetooth? Wala rin siya nun. Kaya naman bigla akong napaisip kung aangkinin ko ba 'tong batang 'to, o ipa-upgrade ko na lang si T42. Kasi kung magpapalit ka lang din ng bago, e di yung kumpleto na. Pero kung magbubugbugan itong dalawa, medyo panalo ang mas bata, este mas bago.

Round 1: Processor
Vaio (Core Duo T2330 1.6Ghz) vs. T42 (Single 1.7Ghz) - Vaio won

Round 2: Hardisk
Vaio (200gb) vs. T42 (120gb) - Vaio won

Round 3: Memory
Vaio (2gb) vs. T42 (1gb) - Vaio won

Round 4: Screen
Vaio (15.4-inch widescreen) vs. T42 (12-inch) - Vaio won

Round 5: Wi-fi
Vaio (Yes) vs. T42 (Yes) - Tie

Round 6: Bluetooth, IR, S-Video
Vaio (No to all) vs. T42 (Yes except Bluetooth) - T42 won

Round 7: Optical/Data drives
Vaio (DVD-RW and SD, MMC card reader) vs. T42 (DVD playback only) - Vaio won

Round 8: Other Useful features
Vaio (Firewire connection) vs. T42 (Keyboard light, biometric access, trackpoint) - T42 won

Round 9: Packaging
Vaio (White color, bulky, laptop bag not included) vs T42 (scratch-proof black, compact, with laptop bag) - T42 won

Round 10: User-friendliness
Vaio (ok lang, sanayan lang) vs. T42 (ok lang din kasi nakasanayan na) - Tie (walang kwentang round, hehehe)

Round 11: Reviews
Vaio: (medium-sized, medium priced laptop, bago pa lang kaya wala pa gaanong reviews) vs. T42 (well-tested, top-of-the-line in its class, and its an IBM!) - T42 won

Round 12: Other issues
Si bossing naman kasi, di naman ako nagre-request ng bagong laptop pero he's eager to give me a new one. Sabi naman ng IT head namin, ang nag-improve lang ay yung speed, data storage capacity at optical drive. Sabi ko nga kanina, halos lahat naman nito upgradeable kay T42 pero hindi lahat masasagot ng company. Cost on my part. On the other hand, I also need to buy a VGA to RCA video cable for the Vaio. Tsaka pala mouse kasi nasanay na ako sa trackpoint ng IBM. Madugong suntukan 'tong round na ito. - Tie!

Winner: Vaio by split decision!!!?

Paki-inform lang ako kung kailangan ng rematch.

Heto pala yung pic ng dalawa during the weigh-in (tinatamad na kong kunin digicam ko sa bag =P).

Wednesday, April 23, 2008

Bye, tough guy


I've been using this pumped up black T42 Thinkpad for 2 years now and I'd say that this machine is really outstanding in performance. I'm not ready to part ways with it yet, really (at least for another month or two) but an upgrade is inevitable.

As I'm still enjoying it's company, my boss included me as one of the early recipients of Sony VAIO NR260E laptop. Specs wise, the T42 would definitely and obviously eat its dust. But the next issue is, is it as notoriously tough as my thinkpad? I'll try to find it out.

Tuesday, April 22, 2008

A thousand memories

Hindi pa kami nakakapili ng 150 wedding photos out of 1,442 for our album. Hirap naman mag-filter nang ganun kakonti sa ganun karaming pagpipilian. By weekend siguro may mailalagay na ako sa Friendster. Speaking of, hindi ko pa pala nababago status ko dun, makapasyal nga mamaya.

This afternoon a-attend naman kami ng kasal. Hay parang babalik ulit ang pakiramdam nung kami ang nasa sentro ng okasyon. Pero ang masaya ngayon, malalasahan na ulit namin ang food sa reception, yehey!

Monday, April 21, 2008

Pila, pila, pila.

Grabe, kanina ko lang ulit nabigkas ang Panatang Makabayan after ??? years (highschool pa yata). Dami na palang nabago sa mga linya nito. Nasa SSS kasi ako kaninang umaga para mag-apply ng digitized ID. 7:30am na ako dumating kaya pang-30+ na ako sa pila. Yung mga dumating ng 8am, pang 50+ na tapos yung mga 9am (niners)pinababalik na nang 1pm.

Pumila rin ako sa MRT at LRT pagpunta ko sa Manila for my passport application.

Siguradong pipila na naman ako pagsakay ng FX mamaya. Magpapa-late na lang ako ng uwi.

Friday, April 18, 2008

Weekend again =)

Yay, nakuha na namin yung wedding pics namin para mapili namin yung ilalagay sa album! Daming namin naman nun, nanu-nanu. =P We were also given a copy of the raw video, and while we were watching it last night, yung feeling nung mga time na yun e parang nag-rush in kay mahal. Kakatuwa. Dapat sana maglalagay na ako ng ilang pics sa Friendster kaso sa pagmamadali kaninang umaga (Late na kami nagising - 4:40am nagising), naiwan ko yung mga CDs. =(

Thursday, April 17, 2008

Morning madness

If not for my wife, I'd consider this morning as a forgettable one. Too many @$$holes are scattered today. To name a few that I've noticed - smoke belching cancer fanatics who don't care on where their carbon monoxide-filled fumes go, a pea-brain who doesn't know how to fall in line, and a driver who doesn't give a damn if his PUV's aircon is broken. It's still early so I need to get prepared for the worse/worst. But I'll try not to get affected. Good stuffs' abound as well, I hope.

Monday, April 14, 2008

Bagong layf

I must admit na nakakapanibago ang bumukod after 30 years na kasama ko yung mga kapatid at magulang ko sa iisang bahay. Just like yesterday, na-miss ko yung sabay kami ng tatay ko na manood ng live telecast na boxing. Kapag may ganitong palabas tuwing Linggo, kami lagi ang laman ng sala. Kahapon, text-text na lang kami.

Dumarating din ang pagkakataon na naitatanong ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa nila, ano ang ulam nila, ano ang pinapanood nila, napag-uusapan kaya nila ako, atbp.

Pumasok ang mga ito habang super busy ang mahal ko sa pag-aayos ng mga damit namin. Sobrang sipag ni mahal pagdating sa pagsisinop ng mga gamit, wala akong masasabi.

Monday, April 7, 2008

Dan in Married Life


It came through me like a whirlwind. Hindi ako nakasabay sa bilis ng mga pangyayari. May asawa na ako. Bago na ang civil status ko. Hindi na ako sa amin uuwi. Ngayon medyo hindi pa totally nagsi-sync in ang realidad na ang singsing sa kaliwang palasingsingan ko ay simbolo ng pagkakatali sa aking minamahal na kabiyak. Maging si mahal eh, hindi pa rin lubos na makapaniwala na kasal na siya. Mrs. Fernandez na siya.

Salamat sa mga sumaksi sa aming pag-iisang dibdib. Salamat sa mga nagbigay ng mga alaala. Salamat sa mga bumati. Salamat sa mga nasiyahan sa okasyon. Ako man ay nagalak sa pagpapalipad ng mga paru-paro.

Trivia: 3pm ang kasal. 1:30pm nasa palengke pa ako at naghahanap ng VCD ni Gary V. na may "How Did You Know" kaso wala akong nakita. Buti na lang alam ng banda sa reception ang piyesa. Kahit sablay sa tono (ang alam nila kasi yung acoustic version), nairaos ko ang harana ko sa aking misis.

Saturday, March 29, 2008

Less than a week na lang

Hay talagang medyo nakakakaba pala kapag narito na sa huling linggo. Mixed feelings. Thursday leave na ako sa work. Sana by that time, wala nang nakalimutan sa preps. Kalito, ngayon pa lang, lutang na utak ko, hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho.

Thursday, March 27, 2008

8 days to go

"After ng kasal, malalaman mo ang pakiramdam ng ginagastusan mo ang hindi mo naman talaga kaanu-ano."

"Hindi mo malalasahan ang pagkain sa reception dahil lutang ka n'on. Pero sa honeymoon mo mararamdaman ang gutom."


-Quoting my married officemates while they check out my wedding preps.

Tuesday, March 25, 2008

Malapit na!

11 days na lang sabi ng counter ko, at masisilayan ko na ang unang araw na may pagbabago sa marital status ko. Sa ngayon, siguro nasa 95% ready na ang lahat for that day.

***

Bad trip talaga yang MRT na yan, kabibili lang ni mahal ng SV ticket tapos nung nagkaproblema, pinagawan lang nila ng incident report at i-follow up na lang daw niya AFTER FIVE DAYS. Kelangan pa raw ng investigation. Kung tutuusin, dapat re-fund or replacement na lang dahil system error naman at walang physical defect na nakita sa card. Paano kung kulang na ang pera para makauwi? Bwiset talaga, public transportation equates to major hassle dito sa Pilipinas. Kaya kelangan in two years, makabili na ako ng kotse. Ay let me rephrase it: In two years, may kotse na ako!

Thursday, March 20, 2008

Reduced operation

Habang nasa bakasyon na halos lahat ng aking mga mahal na kaopisina, may ilang nilalang na kabilang sa kanilang hanay, kasama po ang inyong lingkod, ang na-obligang pumasok alang alang sa interes ng kumpanya. Mahal namin ang kumpanya, mahal na mahal. Sana gayundin siya sa amin.

Monday, March 17, 2008

Long vacation your face!

I can't beleive it. I was anticipating a bit relaxing time when I plan to work on my wedding invites this week when my office colleague delivered the doomsday news: a bid invitation due Monday next week! Patay na, mukhang masisira plano namin ni mahal. Abangan na lang.

***

Nag-pictorial kami ni mahal sa UP lagoon last Saturday. Pamasahe at pagkain lang ang nagastos namin, and I think we made some pretty good shots na gagamitin namin sa wedding ek-eks. Heto sample...




Joke. Saka na lang. =)

Saturday, March 15, 2008

Timeout muna

Tigil muna ako sa pagpapa-renovate, tinatamaan na yung budget sa kasal namin. Nakiusap yung foreman ko na doon muna siya titira habang hindi pa kami kasal ni mahal para makahanap pa siya ng kliyente sa loob ng subdivision. Okay lang, para mabantayan na rin yung mga materyales na natira.

***

Nireklamo ko yung site engineer sa subdivision namin dahil pinatitibag yung pader sa laundry area ko. Engot ba siya? Kung kelan patapos na saka lang niya sasabihin na bawal yung gan'un kataas. 7.5 meters lang yung pader ko at ang nakalagay sa contract, not above 9 meters. Isa pa, bawal daw magkaroon ng 3rd floor, e yung sa amin naman rooftop lang na gagawing sampayan ng damit at labahan. Considered as 3rd floor yun kung talagang kwarto ang ipapagawa namin. Ito namang developer namin, matagal ko nang ibinibigay yung floor plan ko, hindi na raw kailangan, basta naka-specify sa letter to request permit to construct. O ngayon kung kelan patapos na yung renovation, saka nila hihingiin yung drawing ng design. Hay naku.

Thursday, March 13, 2008

Trimona lang sa iba pwera sa Trinoma

Wala naman talaga akong balak bumili ng stub sa Colbie Tour - Trinoma 'coz I was expecting a large projector display which is enough na for me para ma-appreciate ko kung gaano siya ka-cute in person at ma-confirm kung kamukha niya ba talaga si Jennifer Aniston (as what others have noticed). Pero pagdating ko sa Trinoma, PATAY! Walang projector screen na naka-set up! Bwiset! Kamoteng Trinoma na 'to, buti pa nung Lunes sa Glorietta, laki ng screen nila. Kaya hayun, nagtyaga na lang ako sa labas ng non-stub area, nakatayo sa railings for more than two hours siguro.

Bago mag-start, may nakatabi pa kami na lolong manyakis at minamanyak yung babaeng nasa tapat niya. Di ko na ide-detalye, pero buti na lang nag-umpisa nang magpapasok kaya nabitin ang matandang mokong.

Tapos nung nag-start na yung show, may isang kamukha ni Joey de Venecia w/ his GF ang humarang sa mga kuha ko (pati kuha na rin ng mga katabi ko). At nagpiktyuran pa sa tapat namin! Heto o!


So, nag-enjoy ba ako sa panonood? Pinilit ko na lang makontento sa pakikinig ng boses ni Colbie na talaga namang sarap pakinggan. =)

Wednesday, March 12, 2008

Colbie in Manila

Nasa Trinoma mamaya si Colbie Bryant, este Calliat. Kung hindi lang ako super tipid, bibili ako ng album niya later to get a chance to have her sign it personally and take some pics with her na rin. Kahapon ok daw yung performance niya sa Glorietta.

Sure updates tomorrow.

Tuesday, March 11, 2008

Tawa muna part 2

Kiko: Berto, bakit naghihilamos ka sa inidoro? napakababoy mo ah!?

Berto: Bakit ako napakababoy, eh malinaw naman at malinis ang tubig na yan!

Kiko: Oo nga! eh hindi mo ba alam na d'yan ako umiinom, tapos hihilamusan mo! huwag naman ganon..

*****
Pedro: Pare, sobrang taba talaga ng Misis ko kaya't gusto niyang magbawas ng timbang!

Pablo: Sabihin mo sa Misis na mag Horseback riding siya.

Makaraan ang dalawang buwan.

Pedro: Kumusta naman ang resulta ng Horseback Riding !

Pablo: Nabawasan ng 40 Kilos ang kabayo!!

*****
Lumindol ng malakas noon. Nagkagulo ang lahat at nag panic!

Sigaw ng isang lalaki: "Katapusan na! Katapusan na!"

Sumagot ang isa rin lalaki: "Tanga! a-kinse pa lang ngayon"!

*****
Sakristan: Father, may libangan din ba ang mga Pari?

Pari: Oo, naman, pag dating ng hapon, kaming mga pari dito sa bayan ay naglalaro ng Mahjong.

Sakristan: Bakit po naman Mahjong pa ang napili niyong laro?

Pari: Kasi, dito lang kami nakakasalat ng flower, Iho!

*****
Misis: Hoy, Tumigil ka na sa pag inom ng Beer, masyado kang magastos.

Mister: Ikaw, make-up mo ang magastos!

Mrs: Nagpapaganda ako para sa iyo.

Mister: Ako umiinom naman para gumanda ka!

*****
Isang araw sumakay ng Bus si Lola

Konduktor: Lola pasensiya na po kasi puno na! payag po ba kyo ng patayo?

Lola: Tinamaan ka ng Lintek kung inabot mo lang ang kabataan ko, kahit patuwad payag ako!

*****
Isang U.S. Major ang na-stationed sa isolated na Kampo sa Iraq. Kinabukasan, habang may inspection, napansin ng Major ang isang camel na nakatali sa likuran ng Barracks. Nagtanong siya sa Sergeant kung bakit may alagang camel sa Kampo.

SGT: Major, dito sa kampo, masyadong malayo ang bayan kaya't kung sinuman ang gustong makatikim ng ligaya, nandito naman ang camel.

Major: Bawal mag alaga ng hayop dito sa Kampo pero kung para sa 'morale' ng mga Troops, it's okey with me.

Makalipas ang anim na buwan, hindi na makatiis ang Major kaya't tinawag ang Sarhento.

Major: Dalhin mo dito sa tent ang camel. Walang nagawa ang Sarhento kaya't dinala ang camel sa loob ng tent. Makalipas ang 15 minutes, lumabas ang Major na nakangiti.

Major: Sergeant, ganito ba ang ginagawa ng mga Troops pag nalulungkot sila?

Sergeant: Hindi po Sir, sinasakyan nila ang camel papunta sa bayan para makahanap ng mga babae!

*****

ANG PALAY


Nitong mga nakaraang buwan napapansin ni Mister ang pagiging matabang ni Misis.
Walang maisip na dahilan si Mister sa pagiging matabang ni Misis kundi ang
posibilidad na si Misis ay kumakaliwa. Sa pag-iisip ni Mister kung papaano
ang gagawin upang mapatunayan kung totoo ang kanyang hinala, nabanggit niya
sa kanyang Kumpare ang kanyang niloloob.

Mister: "Pare palagay ko ang Kumare mo kinakaliwa ako ngunit hindi ko mapatunayan."

Kumpadre: "Sana naman Pare hindi totoo ang hinala mo, pero kung gusto mo, mayroon
akong alam na paraan para mo mapatunayan ang hinala mo."

Mister: "Siyanga Pare, ano ang alam mong paraan?"

Kumpadre: "Di ba Pare ang kama ninyo ay 'yong double bed, 'Yong bang box spring na
may nakapatong na mattress sa ibabaw?"

Mister: "Ganoon nga ang kama namin Pare, Oh - ngayon?"

Kumpadre: "Ganito iyon Pare, maglagay ka ng isang gatang na palay sa kama ninyo. Sa
pagitan ba ng box spring at mattress pero huwag mong ipaaalam kay
Kumare."

Mister: "Eh, ano naman ang kinalaman ng palay kung totoo ngang kumakaliwa ang
Kumare mo?"

Kumpadre: "Pare, iyong palay pag naging bigas..............SIGURADONG MAY
BUMAYO."


*****

BABAE DAW

Nagkaroon ng trouble ang airplane at sabi ng piloto "Fasten your seat belt".
Isang babae nag-panic at ang sabi: "Ako'y babae, nais kong maranasan ang dapat
maranasan ng isang babae bago bumagsak ang eroplanong ito! Mayroon ba sa iyong
magpapatunay na ako'y babae?"

Tingin ang mga kelot at kinilatis si babae. Medyo may edad at medyo di maganda.
Walang nag-voluntir agad.

Sigaw ng babae: "Patunayan ninyong ako'y babae!"

"Ako!" sigaw ng isang pogi at matchong lalake habang ina-alis niya ang bitones
ng kanyan kamisedentro.

Nanginig ang babae habang lumalapit ang kelot sa kanya.

Tahimik ang lahat...

Hinubag ang polo at ini-abot sa babae. Sabe niya sa babae, "Pakiplantsa mo 'to!"

*****

NAKATIPID

Takbong pumasok ng bahay si Mario.
Pagud na pagod, pero masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa ina.
"Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng uno singkwenta."
"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip.
Sumabay lang ako ng takbo.
Kaya't nakatipid ako ng one-fifty!"
"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
'Di mas malaki ang natipid mo!"

*****

AGAW-BUHAY

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan
na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat
sa iyo."

"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."

"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"

"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang
importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo
rito sa mundo."

"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita
sana ay patawarin mo ako."

"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

*****

Ano ang kaibahan ni Prince Charles sa kulangot?

Si Prince Charles ay heir to the throne.

Ang kulangot ay thrown to the air!


*****

An alcoholic son's letter to his Dad:

Beer dad,

Gin na 'ko mag-iinom whisky kelan man.
Tanduayan mo yan.

Your son,
Miguel.

******

The body builder takes off his shirt and the blonde says, "What a Great Chest you have!"

He tells her, "That's 100 lbs. of dynamite, Baby."

He takes off his pants and the blonde says, "What massive Calves you have!"

The body builder tells her, "That's 100 lbs. Of dynamite, baby."

He then removes his underwear, and the blonde goes running out of the apartment screaming in fear. The body builder puts his clothes back on and runs after her.

He catches up to her and asks her why she ran out of the apartment like that.

The blonde replies: I was afraid to be around all that dynamite after I saw how short the fuse was!

*****

I just received this text earlier...just want to share it

Abalos' Prayer

ZTE father,
who are in China,
hakot be thy name,
thy kickback come,
thy wealth be done,
in Wack-Wack as it is in COMELEC...

Give me this day my daily bribe,
and conceal all my sins,
as I conceal those sin along with me,
and if I am led into temptation,
deliver me from criticism,
its power and its money,
forever and ever...

*****

THE PARROT

A woman went to a pet shop and immediately spotted a large beautiful parrot. There was a sign on the cage that said $50.00. "Why so little," she asked the pet storekeeper. The owner looked at her and said, "Look, I should tell you first that this bird used to live in a house of prostitution, and sometimes it says some pretty vulgar stuff."

The woman thought about this, but decided she had to have the bird anyway. She took it home and hung the bird's cage up in her living room and waited for it to say something. The bird looked around the room, then at her, and said, "New house, new madam."

The woman was a bit shocked at the implication, and said, "That's not so bad."

When her two teenage daughters returned from school the bird saw them and said, "New house, new madam, new whores."

The girls and the woman were a bit offended but then began to laugh about the situation.

Moments later, the woman's husband, Keith came home from work.

The bird looked at him and said, "Hi, Keith."

Monday, March 10, 2008

Our pad and her dad

Ang itim ko na sa kababantay ng bahay. Ano ba ang pinakamabisang whitening soap at lotion? I'll try to post some pics of the renovation next time. Mga one week pa bago talagang makita yung pagbabago sa bahay. Heto muna yung video clip ng model unit. This was taken summer of last year, yung bare type unit (sa kaliwa) ang kinuha namin na ngayon nga ay ipinapaayos na. Makikita nyo na wala pa halos bahay na nakatayo, pero ngayon almost 95% ng subdivision gawa na.



***

Si Papa (daddy ni mahal) dinadramahan si Mama kahapon, na kesyo ramdam na niya na malapit na ang kanyang pamamayapa. May sakit siyang diabetes, medyo matagal-tagal na rin. Patigil-tigil ang gamutan, tapos medyo pasaway pa ng konti. Hay Papa, marami pa tayong pagsasamahan, papasyal ka pa sa bahay namin ni mahal, at lalaruin mo pa ang parating na mga apo mo sa amin. Sumampalataya ka lang.

Friday, March 7, 2008

Filler

Natuloy din kaming mag-leave ni mahal today para ayusin mga wedding papers namin. Less than a month to go, woohoo!

Just dropped by @ Netopia to check e-mails and news, eh wala naman masyadong balita sa office at sa ating inang bayan.

E ako wala rin naman masyadong masabi kaya adios at happy weekend sa inyo!

Thursday, March 6, 2008

The power of mobile pun este, fun este phone.

(Content scraping muna tayo, and this one's a classic)

Do you want to know and see where your friends and loved ones are by simply using your mobile phone number? Click here!

Wednesday, March 5, 2008

The end means the beginning

Last monthsary namin today ng mahal ko as GFBF. 90 months ago nung sinagot niya ako nang sapilitan sa Brownies snack-stop sa SM North. Paiyak na raw kasi ako nung hindi siya maka-oo, tsaka baka iwan ko raw siya noon, eh di niya kabisado umuwi. Ayos ba? hehe. Hindi pa niya ako lab noon pero tingnan mo naman ngayon, kapit-tuko siya sa akin, hah! Joke lang my mahal, ako talaga yung kapit nang kapit e, tapos ikaw yung tuko. Yay! Lab yu! =)

Nagfile nga kami ng LoA kahapon for today to bring our wedding requirements sa Chuch Admin, kaso may ilang technicalities pa kaya dumirecho na lang kami sa office and cancel our leave. Sa Friday na lang kami tutuloy.

Kaso may konting problema kami, tinamaan ng house renovation yung remaining budget namin sa kasal. Kasi naman, ang ganda tingan ng bahay, sayang naman kung hindi pa matatapos. Wala na kaming pa-sweldo sa mga gumagawa. Pero sabi ko nga, konting problema lang ito, kaya let's see what I can do...

Tuesday, March 4, 2008

Nutting match

Katuwa yung kaibigan ko, ni-refer daw niya ako sa kasama niya sa industriya para i-feature sa program nila yung wedding preparations namin ni mahal. Aba kung saka-sakali, talbog pa yung kasal ng boss ko nung January, hek-hek.

***



Sorry mahal, hindi ko mapigilan na humanga sa kanya. Pero ok lang naman 'di ba? Di naman niya ako maaangkin, tsaka kesa naman kay Justin Timberlake o Enrique Iglesias na video ang ilagay ko, har-har.

Monday, March 3, 2008

March na!

This is what Bloggers Look Like When We Have Writer’s Block

***

This coming Saturday na sana ang kasal ko. Kung matutuloy, leave na sana ako sa Wednesday. Pero siguradong hindi pa nasisimulan yung renovation ng bahay namin. May isang buwan pa ako para makahanap ng pamalit sa nagastos namin sa bahay. Sa mga gustong mag-advance wedding cash gift dyan, heto ang account number ko...*toink*

Friday, February 29, 2008

Pimp my hive

Saludo ako sa mga manggagawa na nagre-renovate ng bahay ko dahil sa bilis, pulido, malinis (as in walang halong kalokohan) na paggawa. Sana'y dumami pa ang inyong kliyente.

***

Ramdam ng laptop ko ang karagdagan pang 512mb sa kanyang kasalukuyang 512mb na memory. Syempre, ramdam ko rin kaya masaya.

***

1 presentation, 1 bid and 2 meetings for today. Sinong busy ngayong Friday? Sino???

***

Rally na naman sa Makati, half-day na naman ang mga taga-roon. Ano bang mapapala nila? Na nakapagpahayag sila ng kanilang damdamin para sa bayan? Yeah, right. Isa lang makikinabang dyan: mga TV stations dahil pag-may rally, may news coverage. Pag may news coverage, dami manonood. Kapag dami manonood, dami advertisers.

Wednesday, February 27, 2008

Wala masyado

Mga bagay-bagay na umiikot-ikot sa ulo ko ngayon:

-Lapit na mag-March pero maulan pa rin.
-Sayang, na-miss ko na naman this year ang Panagbenga.
-To gym or not to gym?
-Gusto ko magbasketball bukas kaso running shoes lang meron ako.
-Ay, gastos na naman sa pinapagawa naming bahay.
-Magre-resign kaya si GMA?


***

minsan nag talo ang mga saging
kung sino pina ka masarap...

sabi ni latundan,
small but sweet siya.

sabi naman ni lakatan,
big but sweeter siya.

nalungkot si saba kasi hindi siya sweet,
kailangan pa niyang mailuto at iba pa...

kaya naisipan niyang mag walk out,
pero nasalubong niya si brown sugar...

ikinuwento niya ang nangyari,
tumawa si brown sugar at sabi:


"it doesnt matter how sweet you are...
what matters is how you make others
special because of you...

and you made me special..."


- The Legend of Banana Cue

(author unknown)

Tuesday, February 26, 2008

Back to reality

Three-day break's over. Hindi naman ako halos nakapagpahinga dahil sa mga ganitong pagkakataon lang na nababantayan namin ni mahal yung renovation ng house. Actually, hindi pa nga bantay e, pasyal-pasyal lang ang nangyari. Bumili kami kahapon ng dalawang single hole sinks, faucets, switches and power outlets. Mas makakamura ka pala pag sa Federal or Wilcon ka bumili ng mga ganitong gamit kesa sa Ace or DIY, pero mas marami ka namang mapagpipilian kung sa mall. Tiles, hollow blocks at bakal na pambakod na lang ang kulang. Yay!

***
Commercial muna:
Personal Blog

***

Baller
(Haiku)

Pa-simple ka pa
Magpasa ng work sa 'kin
Gawin mo 'yan, oy!

Friday, February 22, 2008

Friendship Friday

"A friend is a gift you give yourself."
-Robert Louis Stevenson

recent kitakits with my high school buddies (kahapon lang, actually)


and some of my college dabarkads (last week)

Tuesday, February 19, 2008

Moderate my gigil

I cancelled an anticipated nice dinner-movie date last night just to help out finish a presentation, which was actually not necessary to be done asap. Later did I know about it, unfortunately. Naisahan na naman ako ni FG head.

***

I was supposed to watch Endo, a film directed by my old friend and college buddy Direk Jade Castro (salamat Noreen sa invite, sayang 'di mo ako naalala n'ung premiere, hu hu). Sadly, we barely communicated after I took a different career that's way off my Film and Audio-visual Communication degree (nagtitinda ako ngayon ng mga lutong-bahay).

What I can remember about Direk Jade:
His creativity which, though subtly embedded in his overall persona (that's what I thought), was strongly manifested through his ideas.

His humility. Wala kang mararamdamang yabang sa katawan kahit may ipagyayabang naman.

A keen observer. These could be one of his qualities kaya sobrang malikot ang pag-iisip (in a postive sense).

Mababaw ang kaligayahan kaya madaling patawanin. Kaya sarap kasama niyan dahil madalas pinapakyaw mga jokes ko.

Good taste in music and of course, movies. Siya ang basehan ko kung worth bang pakinggan/panoorin ang isang kanta/pelikula.

I wish I had returned the favor after he wholeheartedly worked as my DOP (cinematographer) for my thesis. Hindi ko na matandaan kung bakit hindi na ako nakatulong sa thesis niya.

I wont forgive myself kung hindi ko mapapanood within this week yung movie niya.

Monday, February 18, 2008

Music is Monday; Monday is Music

Until now May hangover pa ako sa Pop-Bossa music na pinasikat ni Sitti. Kung trip nyo pa rin makinig ng ganitong type ng genre, I recommend the following:


sample track



sample track:

Friday, February 15, 2008

Sweet Corny Love

It's not the corny verdict thing that we tag on bland jokes, actually.

After five grueling hours of making a 70-slide presentation, I was rewarded by my mahal with a juicy, tasty boiled sweet corn:

Ahh, definitely gratifying. =)

***

Will be at MoA this evening to meet my best college pals. Sige, rally rally lang kayo dyan; as if naman may mangyayari pang milagro. Peace!

Wednesday, February 13, 2008

UP Fair 2008

Hay, missing my college days...



Habol pa:

Wednesday - Rock-love-an sa Sandaan! Kami n’APO ulit!
Sugarfree, Spongecola, Typecast, Callalily, Silent Sanctuary, Urbandub, Barbie Almalbis, Imago, 6cyclemind, Itchyworms, Hale, Greyhoundz, Proteinshake, Pedicab, Kjwan, Soapdish, Stonefree, Mayonnaise, Fuse, Mojofly, RockSteddy, ChicoSci, Check, Melanie, Hilera, VinceNoir, Paraluman, Manibela, Ciudad, Blue Ketchup, and many more…


Thursday - SISFIRE 6: A FULL BLAST LOVE AFFAIR
kamikazee | urbandub | rivermaya | sugarfree | chicosci | imago | stonefree | up dharma down | mojofly | radioactive sago project | silent sanctuary | juana | giniling festival | moonstar 88 | chubibo | session road | purple chickens | pumping pluto | and many more

Friday - 215 Degrees FAIRenheit
Queso, Chicosci, Itchyworms, Sinosikat, Datu’s Tribe, Cambio, Callalily, Silent Sanctuary, Mayonaise, Soapdish, The Wuds, Blue Ketchup, The Jerks, Machine Gun, Anak ni Aling Juana and many others!

Saturday - EUFAIRIA: 100 Years at the Edge of Sanity
Urbandub, Pupil, Typecast, Slapshock, Kjwan, Chicosci, Queso, Greyhoundz, Sugarfree, Stonefree, Mojofly, Moonstar 88,Hilera, Paramita, Juana, Kiko Machine,Cambio, Chubibo, Giniling Festival,Radioactive Sago Project, The Jerks, The Wudz, Datu’s Tribe, Sunflower Day Camp, Cathexis, Aizo, Sandlady, and many many many more!!!

poster and info c/o theoblationrun.com

Tuesday, February 12, 2008

No traffic? Leave your house at 5am!

Ortigas Center, 6:23AM @ 18 degrees C. Hindi pa halos sumisikat si haring araw. Sarap maglakad papuntang office lalo na kapag kasabay ko ang mahal ko.

***

Moved ang kasal namin from March 8 to April 5. Medyo hectic ang calendar ng Church namin sa March so we've decided, with the approval of our locale minister, to have it on April na lang. Okay lang naman since we have lots of preparations to make pa.

***

A typical post-bid submission scenario sa office. Parang war zone. I do hope we win this first battle.

Friday, February 8, 2008

Sales Conference @ Tagaytay

Salamat Ma'am "S" sa iyong napili na venue. =)

Kapagod, pahinga muna...


Ano kayang masarap unahin?

Thursday, February 7, 2008

Tawa muna tayo

SA BAKERY
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?


ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!


Honeymoon...
BRIDE: Kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako.
GROOM- Kaya mo ito. Di ba dati may alaga kang ahas?
BRIDE- Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD!!


BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali! Lagi nalang ako mali!!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: Shet! Mali na naman ako!!!


Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!


BF : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... PANGHILOD! SMILE!!!


(Sa loob ng Mall)
GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Jowa: Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since...



JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?


NARS: doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: alin, yung bakla?
NARS: opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
DR: ano naman raraspahin ko sa kanya?


FROG: what does my future hold?
FAIRY: you'll meet someone who wants to know everything about you.
FROG: great! Will I meet her in a party?
FAIRY: no. in biology class


Things you don't want to hear during your own surgery:
-san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat!


inspiring quote of the day:
"hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko."


MRS: hon, am I pretty or ugly?
MR: uhm.. both..
MRS: anong both? Pwedeng pretty and ugly?
MR: ang ibig ko sabihin, you're pretty ugly.


TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: ako ma'am! Ako ma'am!
TEACHER: okay Pedro, what is science?
PEDRO: science is our lesson for today.


AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday)
INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such
unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)
NOSEBLEED!!


BOB: nakakamagkano ka sa 1 araw?
PULUBI: nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.
BOB: hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
PULUBI: pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!


DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.


in a miss gay pageant:
HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic
crisis?
BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!


1. Trulalu.
2. eklavu
3. eklavu.
4. trulalu
5. eklavu
6. trulalu
7. trulalu.
8. eklavu
9. trulalu
10. trulalu
-batang bading nagsasagot ng true or false na quiz.


MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: ha?! Pano yan?
MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!


Kung nag GAY LANGUAGE sana sila GMA at GARCI eh di walang SCAM!
GMA: hallow gracia!
GARCI: uy mother ever! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yung mga chuva ek ek.
GMA: bonggacious! Eh yung mga chenes chenes, carry na ba?
GARCI: flatshoes! Winnie santos mama, wiz na wori eclavou na ever! Na chorva na!
GMA: ang tarushki! Maldita ka talaga vruha ka! Eh di windra na naman watashi?!
GARCI: anufi ate.
GMA: oshah ba.


Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!


BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?


Anong sabi ng centipede nung may nakasalubong siyang isang centipede? "uy pare. Apir!apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!apir! apir!.... ......


Imagine if all straight guys are talking in gay lingo.
STUDENT: bakit di mo chinuva yung girlalu? Malaki naman ang susey ng lola
mo ah.
HUNK: Winnie cordero nga dude sa susey, Melanie marquez naman sa
brainwaves. Wit na.
Jaworski while coaching: keber sa kalaban! Just focus! We cannot afford to
luz valdez ! Getlakin niyo yung last freethrow! Windangin yung mga julaban!
Ok! Go for the gold to the highest level mga chorva! Gow lang! gow lang ng
gow!


BOY1: nakakakawa naman lola mo.
BOY2: bakit?
BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.
Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY2: papansin lang yun!
BOY1: bakit?
BOY2: bago kasi blouse niya!


A boss confused about his Math asked his secretary:
If I give you P3M less 17%, how much would you take off?
SECRETARY: everything sir! Dress, bra, panty!
TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa
dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: eeewwww!


BOY: is this your first time?
GIRL: (angrily) oo naman noh. You guys talaga. So kuleeet! Always asking me
the same question. Paulit-ulit. Hmp!


Magsyota sa motel.
BF: alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: oo, pero ikaw lang talaga ang girl!


STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman
ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!


TITSER: bat ka na-late?
EDWARD: nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.


Sa kasalan
PARI: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: eto P5, father.
Tinignan ng pari ang bride.
PARI: eto P4 sukli mo iho.


Sabi nung friend ko, nakakalaki daw ng tiyan ang beer. Kasi noon minsan
nalasing siya, nabuntis siya!

Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!


JAIME ZOBEL DE AYALA: 1/2 Pinoy, 1/2 Spanish.
HENRY SY: 1/2 Pinoy, 1/2 Chinese.
LITO ATIENZA: 1/2 Hawaiian, 1/2 Polo.
MIKE ARROYO: 1/2 Pinoy, 1/2 pork.
JOHN OSMENA: 1/2 Pinoy, 1/2 Pinay.
PROSPERO PICHAY: 1/2 Unggoy, 1/2 gulay.
GMA: 1/2 ..... only.


SA OSPITAL.....
WIFE: hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.


GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?
BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.
GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!


INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong
sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay
mukhang matapobre.


nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang
siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!


ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh!


thought to ponder:
hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat
ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingin mo?

PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.


kung totoo ang ' Darwin 's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa
unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?


DORAY: mare, kulang pa kami ng isang miyembro. baka gusto mong sumali sa
paluwagan.
PINANG : hindi pa ako pwede, mare.
DORAY: bakit mare?
PINAY: virgin pa kasi ako.


Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago.

Wednesday, February 6, 2008

News and views

"Work, work, work!" ika nga ng mahal ko. Dami naman talagang ginawa today, kaya 5pm na ako nakapagbasa ng inquirer.net at nakapag-open ng mga sites na nasa Favorites tab ko.

***

Obama for Democrats and McCain for Republicans, yan ang partial/unofficial result ng Super Tuesday sa US.

***

"Night of a hundred knives" really best describes JDV's unseating in Congress as the Speaker. Minsan pang ipinakita natin sa buong mundo ang kulay ng pulitika sa ating bayan: kapag wala ka nang kakapitang patalim at patraydor ka pang sinaksak ng mga inaakala mong kaibigan, maghanap ka na ng sarili mong itak at bahala ka na kung sino ang uunahin mong tagain.

***

At ano na naman itong balita sa Comelec na bumili umano ng P20M worth of "luxury" cars para sa ilang top officials nito? Kung part lang ng regular upgrading, bakit hindi na lang middle-range na presyong ng mga sasakyan? Lahat ba ng nga volunteer teachers e nabigyan na ng kaukulang compensation/honorarium fees? Hay, kung makakabili lang sana ng pampalit sa bulok na sistema sa ating eleksyon.

***

"Between Danny and *beep*, I'd rather see the face of Danny!" sabi ng FG kahapon (hindi na yata siya part ng A). I took it as a complement at first, pero sabi ng mahal ko, "Aba, i-level ka ba kay *beep* (in terms of job description)?" Hayun, natauhan ako.

Tuesday, February 5, 2008

Parangoid

Parang nasa labas lahat ang tao kaninang pagpasok ko. Sobrang haba ng pila sa fx, sobrang dami ng tao sa MRT at sobrang trapik sa Mega-Tektite route.


Ah, nagdidiliryo lang ako, this is reality.

***

Parang hindi bagay sa mga puting lahi ang pagsusuot ng barong. Nung sinuot direk/idol Quentin Tarantino yung barong sa Golden Globes, para siyang driver ng karo ng patay na kagagaling lang sa inuman. Oist, hangang hanga ako sa gesture niyang yun in appreciating our national dress for guys. I'm just speaking of how he looked. Sa tingin ko lang eh hindi bagay.

***

Parang kakapusin kami sa preparations ng mahal ko for March 8. Parang ang dami dami pang kelangan gawin. Almost a month na lang. Pero ang totoo, okay na okay na. Para lang may maidagdag ako sa post ko. Parang kulang e. =P

Monday, February 4, 2008

Tears of Happyslipness



Last Friday I tried registering to Christine "Happy Slip" Gambito's Meet and Greet event but it was already full. I'm not really an avid fan of this YouTube star pero somehow there's a considerable level of interest in me that is wanting to see this wacky US-raised Pinay in flesh. Siguro sobrang nakaka-relate lang talaga ako sa kakulitan at pagiging natural niya. Check her videoblog; there I got today's entry title.

Late na balita: She's here for a two-week, government-sponsored visit, being RP's tourism ambassadress to North America.

Kulitan ba kamo? Here's HS as Teenie. =)

Friday, February 1, 2008

Brother and enemies

May bahid ng Pinoy na naman ang Yahoo homepage today, this time courtesy of Renaldo "Brother" Lapuz:


***

Top 5 kinds of people na gusto ko isabit nang patiwarik at tusukin ng perdible sa lahat ng skin pores ng kanilang katawan:

1. Mga nagtatapon ng basura kung saan-saan, lalo na ng styro at plastic
2. Taxi driver na namimili ng destinasyon (Dalawa ang nakaaway ko today, binalibag ko kasi pintuan ng taxi nila eh, hek hek)
3. Nakakasiko sa MRT tapos deadma lang kahit ramdam niyang nakasakit siya
4. Mayabang pero wala namang ipagyayabang
5. Hindi marunong tumanggap ng mali

Wednesday, January 30, 2008

Imagestories


7 years and 4 months and my mahal still never fails to make me blush. Lovenote niya iyan sa akin kanina, ipinadala pa sa ka-opisina niya. How chueet.



Pagpunta ko sa Yahoo homepage. Yes, sikat na naman ang Pinas.


Kaso palpak naman ang related na article sa Forbes.com. Baka akala nila yung Manila Bay yung Olympic-sized pool. =P

Round 1 TKO

Gusto kong ma-depress pero hindi ko naman magawa. Baka kulang sa motivation. Baka hindi naman talaga kelangan.

Matapos magpuyat, gumastos, mag-print ng sandamakmak at mag-isip, maba-balewala lang pala. Ganito kalupit ang mundo ng vendors when participating in a bid.

Sabi nga ng boss ko, don't waste you time on things that you have no control. After matalo sa bid, naisip kong dagdagan ang sinabi niya: Take the risk on things that you have some level of influence; and seize the opportunity on things that you have full dominance. We took the risk on this bid, kaso the things that were out of our hands outnumbered the manageable ones.

Better luck next time.