Saturday, March 15, 2008

Timeout muna

Tigil muna ako sa pagpapa-renovate, tinatamaan na yung budget sa kasal namin. Nakiusap yung foreman ko na doon muna siya titira habang hindi pa kami kasal ni mahal para makahanap pa siya ng kliyente sa loob ng subdivision. Okay lang, para mabantayan na rin yung mga materyales na natira.

***

Nireklamo ko yung site engineer sa subdivision namin dahil pinatitibag yung pader sa laundry area ko. Engot ba siya? Kung kelan patapos na saka lang niya sasabihin na bawal yung gan'un kataas. 7.5 meters lang yung pader ko at ang nakalagay sa contract, not above 9 meters. Isa pa, bawal daw magkaroon ng 3rd floor, e yung sa amin naman rooftop lang na gagawing sampayan ng damit at labahan. Considered as 3rd floor yun kung talagang kwarto ang ipapagawa namin. Ito namang developer namin, matagal ko nang ibinibigay yung floor plan ko, hindi na raw kailangan, basta naka-specify sa letter to request permit to construct. O ngayon kung kelan patapos na yung renovation, saka nila hihingiin yung drawing ng design. Hay naku.

No comments: