Wala na rin ang lolo ko sa mother side. He passed away last Friday in Canada and I never had the chance to see him or even talk to him, not even once. He might have cared less to his apos, since he didn't even bother getting in touch with my mother when he was still able. Simula nung nakarating 'yun sa Canada, parang wala siyang iniwan na mga anak dito sa Pilipinas. May tig-tatlong tito at isang tita ako doon at dito, pero yung dalawang tito na nandito ay namatay na rin. Minsan iniisip ko kung ano ang nararamdaman ng nanay ko sa gan'ung ugali ng lolo ko. Madalas na nga lang sabihin niya sa akin yung laging sinasabi ng tatay n'ya bago mangibang bansa. Wala na raw siyang pakialam kung makapagtapos sila ng pag-aaral, bahal na raw sila sa mga buhay nila.
Maybe that's why wala masyadong impact ang pagkawala niya sa akin.
I only have one living grandparent who is now suffering from severe Alzheimer's. Asawa ng kamamatay lang na lolo ko. Itong lola kong 'to, nakapagbalik-bayan pa (1990's yun) and kahit papaano nayakap kaming mga apo niya dito sa Pinas. I won't forget one ocassion na kumanta siya as I played the guitar. Hindi nga lang kami nagka-usap nang matagal. Ngayon, may sariling mundo na siya.
Anytime soon, darating na ulit si Father Time to adjust generation wheel.
Wednesday, September 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment