Friday, June 6, 2008

Oh Pepe, where art thou?

Kung hindi pa nagbalik-bayan Uncle ko, hindi ko mararamdaman ang papalapit na Araw ng Kalayaan. Pinasyal namin siya sa Intramuros two weeks ago at mukhang nag enjoy naman siya.

Sa hirap ng buhay ngayon, magdadalawang isip pa ang isang pamliyang pinoy sa pamamasyal sa Intramuros. Sa Fort Santiago, may entrance fee na 50 pesos. Pwera pa yung mga minimal charges sa portion ng Rizal Shrine (10 pesos). Sa Casa Real naman, 25 pesos. Di mo naman mae-enjoy nang husto kung maglalakad ka lang sa mga kalye at papasok sa dalawang antigong simbahan na nand'un.

So sa isang pamilya ni Juan na may apat na anak, kelangan niya ng at least 500 para sa isang araw na sulit na pamamasyal sa Intramuros. Paano kung si Juan ay nakiki-boundary lang sa tricycle o patanggap tanggap lang ng trabaho sa construction? Walang kaso sa mga turista kaso sana may subsidized portion pa sana ang gobyerno para sa mga tumatangkilik ng sariling atin.

***

Nakakagaan ng pakiramdam kapag naa-appreciate ng ibang lahi ang kasaysayan natin. Nabasa ko kasi yung visitor's logbook ng Rizal Shrine, gaganda ng comments nila tungkol kay Rizal. May mga nagbigay rin ng donation para sa museum. Kung pwede lang sana na mas madalas ako makaramdam ng kasiyahan dahil sa pagiging Pinoy ko, hindi tuwing may boxing lang si Paquiao.

No comments: