Marami akong gustong i-kwento sa tungkol sa pagpunta ko sa Singapore pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi dahil sa sobrang excited ako. It's just that wala masyado akong iku-kwento.
Huh?
***
Hindi ko naman nalibot ang buong Singapore so in fairness kay pareng Metro Manila, I won't make any comparison. Para makakuha kayo ng kumpletong impormasyon tungkol sa Singapore, check n'yo na lang wikipedia.
***
Ang mga sumususnod ay pansariling obserbasyon sa bansang ito batay sa aking karanasan sa loob ng apat na araw na pamamalagi roon:
1. Mainit din dun (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
2. Maraming puno at halamang bulaklakin sa highway
3. Parang 4 out of 10 na makakasalubong mo ay hindi Singaporean batay sa kulay at pananalita
4. Halos walang traffic build ups (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
5. Walang visible na usok na lumalabas sa mga sasakyan na ang normal na takbo ay 80-90 kph sa highway na mala-C5.
6. Legal ang sex work
7. Walang kanin at gravy sa KFC na nagtitinda rin ng Pizza Hut
8. Ang "Take Out" at "Dine In" ay "Take Away" at "Eat Here" sa kanila
9. Mahal ang cost of living
10. Maliwanag na maliwanag ang mga ilaw ng kalye at malls sa gabi
Monday, June 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment