Wala naman talaga akong balak bumili ng stub sa Colbie Tour - Trinoma 'coz I was expecting a large projector display which is enough na for me para ma-appreciate ko kung gaano siya ka-cute in person at ma-confirm kung kamukha niya ba talaga si Jennifer Aniston (as what others have noticed). Pero pagdating ko sa Trinoma, PATAY! Walang projector screen na naka-set up! Bwiset! Kamoteng Trinoma na 'to, buti pa nung Lunes sa Glorietta, laki ng screen nila. Kaya hayun, nagtyaga na lang ako sa labas ng non-stub area, nakatayo sa railings for more than two hours siguro.
Bago mag-start, may nakatabi pa kami na lolong manyakis at minamanyak yung babaeng nasa tapat niya. Di ko na ide-detalye, pero buti na lang nag-umpisa nang magpapasok kaya nabitin ang matandang mokong.
Tapos nung nag-start na yung show, may isang kamukha ni Joey de Venecia w/ his GF ang humarang sa mga kuha ko (pati kuha na rin ng mga katabi ko). At nagpiktyuran pa sa tapat namin! Heto o!

So, nag-enjoy ba ako sa panonood? Pinilit ko na lang makontento sa pakikinig ng boses ni Colbie na talaga namang sarap pakinggan. =)
No comments:
Post a Comment