Wednesday, February 6, 2008

News and views

"Work, work, work!" ika nga ng mahal ko. Dami naman talagang ginawa today, kaya 5pm na ako nakapagbasa ng inquirer.net at nakapag-open ng mga sites na nasa Favorites tab ko.

***

Obama for Democrats and McCain for Republicans, yan ang partial/unofficial result ng Super Tuesday sa US.

***

"Night of a hundred knives" really best describes JDV's unseating in Congress as the Speaker. Minsan pang ipinakita natin sa buong mundo ang kulay ng pulitika sa ating bayan: kapag wala ka nang kakapitang patalim at patraydor ka pang sinaksak ng mga inaakala mong kaibigan, maghanap ka na ng sarili mong itak at bahala ka na kung sino ang uunahin mong tagain.

***

At ano na naman itong balita sa Comelec na bumili umano ng P20M worth of "luxury" cars para sa ilang top officials nito? Kung part lang ng regular upgrading, bakit hindi na lang middle-range na presyong ng mga sasakyan? Lahat ba ng nga volunteer teachers e nabigyan na ng kaukulang compensation/honorarium fees? Hay, kung makakabili lang sana ng pampalit sa bulok na sistema sa ating eleksyon.

***

"Between Danny and *beep*, I'd rather see the face of Danny!" sabi ng FG kahapon (hindi na yata siya part ng A). I took it as a complement at first, pero sabi ng mahal ko, "Aba, i-level ka ba kay *beep* (in terms of job description)?" Hayun, natauhan ako.

No comments: