Monday, October 8, 2007

Kuwentong FX

Chika ng mahal ko:

Last week napasakay siya sa FX na malakas ang aircon. Iniba niya yung direction ng lamig papunta sa katabi niyang lalaki. Pagkatapos ng ilang minuto, ibinalik ng pobreng mama ang pagkakatutok ng aircon sa kanya. Hindi muna niya agad pinansin. After ilang minutes ulit dahil sa hindi na siya makatiis sa lamig, kelangan nang gumawa ng aksyon. Pero nung gagalawin na nya yung aircon, umakma din yung katabi niya na para bang makikipagunahan sa pag-adjust. Dito nagsimula ang kanilang pag-uusap...

Mahal: Gusto nyo po ng aircon?
Mama: Ok lang... ayaw mo ba?
Mahal: *tango*
Mama: Nilalamig ka ba?
Mahal: *tango*
Mama: Gusto mo ng jacket? Heto o... (WATDAF?%$@!!!)
Mahal: Ay 'wag na po, okay lang ako!
Mama sa FX driver: Pakihinaan naman yung aircon, nilalamig siya eh.
Mahal (sobrang gulat): Ay hindi kuya (driver), huwag nyo nang hinaan!

Hininaan pa rin ng driver.

Ilang sandali pa ay kinausap niya yung driver dahil sa hiya niya sa mga pasahero sa bandang likod. Hindi na siya pinakinggan.

Moral of the story: Sakay na lang sa jeep para walang aircon. =)

No comments: