Friday, October 19, 2007

Kuwentong Elevator

Bad trip kanina pagsakay ko ng elevator.

May isa akong nakasabay from ground floor, then may pumasok from level 2 parking na isang babaeng in her 40's siguro at sa itsura pa lang eh medyo sosyalin. Sabi nung babae, "27 please." Pucha, sino'ng kausap niya sa aming dalawa? Nagkatinginan kami pero out of pagbibigay galang sa nakatatanda siguro, yung katabi ko na lang ang pumindot. "Thank you." sabi nung babae na never tumingin sa amin dahil busy siya sa pag-aayos ng buhok niya sa tatlong pader na salamin ng elevator. Nasa mall ba siya para mang-utos ng pipindot, ha? Kung big time boss siya at sanay mang-utos, bakit wala siyang executive key para dun siya sa hi-speed elevator sumakay at manalamin? hay naku.

Bakit ba ako masyadong effected? Kaliit-liit na bagay eh.

Wala lang, just ranting out the heat. Sira kasi aircon ng office namin. Kahapon nawalan naman kami ng kuryente (as in kami lang ang wala, mga katabi naming opisina meron). Hay naku ulit.

No comments: