Sunday, October 28, 2007

Busy bee and Jollibee

Sunday na, wala pa akong napapanood sa mga nilista ko... Me pahabol pa nga, nakahiram ako ng Kyle XY DVD pero di ko sure kung matatapos ko, or kung masisimulan ko man. Hay.

Kahapon galing ako sa birthday party ng kapitbahay, sa Jollibee ginanap. Andun si Jollibee, syempre. Dama ko yung genuine happiness ng mga bata nung pumasok sa room yung mascot, na nakita ko kung sino talaga bago pa siya magsuot ng costume.

Parang masarap maging mascot, na ang trabaho mo ay magpasaya lang ng mga bata maghapon.

Hindi ko matandaan kung si direk R.A. Rivera or prof. Ramon Bautista na parehong naging matagumpay sa kanilang karera, ang nagkwento sa akin nung college days namin tungkol sa isang mascot. May isang mascot raw na bago makarating sa isang children's party ah napagtripan ito ng mga tambay at matapos bugbugin eh iniwan na lang sa isang eskinita.

Madilim.

Tahimik.

Di siya makagalaw, habang nakakulong sa kanyang mabigat na uniporme. Maghapon siyang nakahiga dun kasama ng mga basura at mga pusang gala. Wala siyang magawa. D'un nagsimulang maglakbay ang kanyang diwa.

Di ko alam kung paano matatapos yung istorya eh. Di na sa akin nai-kwento nang kumpleto.

Parang masarap maging mascot. Sana masubukan ko minsan. Pero hindi ako magpapabugbog.

No comments: