It's a vicious cycle every morning, alright. Palagi na lang akong may nakakasalubong na mga walang kwentang nilalang na basta na lang nagtatapon ng basura sa daan. Hindi ko pa siguro mapapansin kung balat ng kendi ang itinapon niya sa madamong bangketa, e kaso hindi e, isang styro cup ang inihagis na lang basta sa sementadong lakaran along Julia Vargas ave. dito sa Ortigas. Ang linis linis ng bangeta kaya kitang kita yung puting basura. Yung naghagis e mukhang call center agent na pauwi na. Pero wala akong pakelam kung kulang siya sa tulog. Huminto ako at tinitigan ko yung mokong. Kaso hindi ako pinansin, tuluy-tuloy lang siya sa paglakad.
Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero hindi ko maintindihan kung saan nila nakukuha ang kakapalan ng mukha at ang lakas ng loob na magtapon ng mga ganung bagay sa lugar na malinis at habang marami ang nakakakita sa kanila. Sa susunod na magkasalubong kami at gawin niya ulit 'yun, iniisip ko if I should let my reaction be a bit more precise, like picking up his grabage and slamming it to his face. I'm capable of doing that, no joke. Pero after pagsabihan siya at saka lang hahantong 'dun kung mauna siyang maging pisikal.
Petty stuff, huh? E kaya nga nagkaroon ng Smokey Mountain...
Tuesday, November 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
i agree with you! bad trip din ako sa mga di makahanap ng basurahan para maitapon un mga kalat nila! ulitmo balat ng kendi tapon lang ng tapon kun san2 di na lang ilagay sa bag nila!
btw, thanks for dropping by at my blog =)
oo nga e, just imagine a minute effort of self discipline couldn't be done by many Pinoys nowadays. Pero sana mabago pa. =)
Post a Comment