Wednesday, November 28, 2007

Bending, blogs and bubble bags

Lumindol kahapon. Pangalawang beses na akong nata-taymingan ng lintek na ito habang nasa mataas na lugar ako (dati sa 24th, ngayon sa 32nd floor naman). Yung una abut-abot ang panalangin ko dahil pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sobrang lakas ng ugoy. Hindi ko akalain na pwedeng "mag-bend" nang ganun ang mga building na parang ruler na kinukumpas mo nang kaliwa't kanan. Tensile property yata ang tawag 'dun.

Yung lindol kahapon, medyo relak na ako. Nagbibiruan pa nga kami, "Ang agang yugyugan naman 'nun, at dito pa sa office ginawa," sabi ng officemate ko. Yung isa naman tahimik lang sa upuan niya at nanginginig sa takot.

Buti na lang walang nasaktan at nasirang mga ari-arian, sabi sa balita.

***

Naubos ang panahon na ipinasok ko sa opisina kaninang umaga dahil sa kababasa ng kung kani-kaninong blogs. Simula kaninang 7:50 at hindi koa na halos namalayan ang oras. Hindi ko pa masabi yung mga napuntahan ko kasi ipinagpapaalam ko pa lang sa mga may-ari. Lalabas na lang sa links ko 'tong mga ito kapag aprub na.

***


Whoah, ano'ng ginagawa ng sangkaterbang bubblebags dito sa opisina? Totoo ba 'tong nakikita ko? Malapitan nga...


Bubblebags nga! At ang dami! Ang mga daliri, ko nanginginig...

gustong mamutok...

kelangan pigilan...

adik ako dati sa pagpapaputok nyan...

arghh...

kahit isang beses lang...


Hayyy, what a relief...

Pwede isa pa?

No comments: