Tuesday, January 15, 2008

So far, so near.

Ikakasal na rin ang boss ko sa January 28. Buti na lang nauna siya ng halos isang buwan sa akin, nalalaman ko rin kung ano pa ang kulang sa preparations namin ni mahal.

Aabot daw ng Php.6M ang expenses nila, though medyo may halong panghihinayang siya kasi may mga hindi napagplanuhan na gastusin kaya lumobo nang ganun kalaki. Pero tanggap na naman niya kahit papaano, minsan lang naman daw eh.

Sa amin naman ni mahal, ang kulang na lang ay:
- seminar
- sing sing
- flower arranger
- invitations
- design ng cake
- sukat ng mga lalaking abay
- honeymoon destination =)

Limampu't tatlong tulog na lang!!!

2 comments:

Raquel said...

hay :X buti pa kayo ni rommel. best wishes at gudluck sa inyong dalawa!! happines & bliss!

the Zookeeper said...

Wag kang mag-alala, ipa-follow up ko kay Lord yung para sa 'yo. Ewan ko ba, maganda ka naman, mabait, seksi... bakit naman paghihintayin ka pa, bakeet???