Thursday, December 20, 2007

Salamat part 2

Salamat sa alarm ng aking cellphone at nagising ako sa oras na dapat akong magising.

Salamat sa lahat ng tumulong sa bid ko at umabot ako sa 2pm deadline, kahit photo finish, abot pa rin.

Salamat at napirmahan na ang Final Acceptance ng project ko matapos ang dalawang taon.

Salamat at huling pasok na namin bukas, at may libreng lunch pa.

At sa nag-comment sa post ko noong Martes at binura rin agad kaya hindi ko na nabasa, salamat na rin.

Salamat. Salamat.

No comments: