Friday, December 14, 2007

Haw deys play so past

Isang tulog na lang, open na ang Manila Ocean Park. Bad trip naman yung website nila, wala man lang preparation for its historic opening. Ni countdown, wala. Makapunta nga d'un sa Linggo.

***

In 7 years, ngayon lang napaaga ang 13th month pay namin. Dati kasi sinasabay ng boss namin sa bonus at ibibigay niya in cash via "ang-pao" (tama ba?) sa last working day before the long vacation. Buti pa yung iba, may 14th, 15th, 16th month pay. Pero ok lang naman, baka sumpungin ng pagiging galante si bossing para sa bonus namin.

***

Update sa SEAG: Bumalik na tayo sa ika-5 na pwesto sa medal standings; pangalawa naman sa total number of medals. Sa nangyaring protest ng RP Boxing team, okay na sana yung 1 bout na hindi paglaban to stress a point then they could have given all they got. Totoo na may mga obvious na dayaan sa scoring system, pero kailan ba hindi nawalan ng controversy dyan? Nabastos lang natin ang mas magagaling nilang boxers. Hindi tayo sports.

No comments: