Tuesday, December 11, 2007

Cellphone, Cellphone Wallet

As of this blogging, panlima na lang ang Pilipinas sa SEA Games. 26 golds against 78 sa Thailand. Sabi nila maraming tinanggal na sports na kung saan tayo ang naghahari. Excuses.

***

Nakakatuwa naman ang act of generosity ng RP men's basketball team sa national team ng Cambodia. Ang balita raw e ipinamigay nila halos lahat ng kanilang gamit (bola, practice jerseys, sapatos, etc.) sa Cambodian team kasi napagalaman na nung nilabanan nila ito, e yung mga players nanghiram pa ng gamit sa volleyball team nila. Sabi rin daw ini-sponsor ng Sports Authority of Thailand ang pagpunta nila sa SEA Games.

***

Lapit na ng deadline ng bid namin sa Globe, halos wala pa akong nasisimulan. Kawawa naman ako. Mukhang masusunod ang bid schedule na binigay sa 'min, which means (almost) no vacation this December.

***

Okay ang bagong album ng Parokya ni Edgar. Hindi nawala ang tatak PnE sa mga bago nilang kanta. Walang bahid ng paglaki ng ulo at hindi jologs ang pagiging novelty. "Solid" ang pangalan ng bagong album nila, bagay sa karakter ng kanilang barkadahan (o banda) na sa loob ng maraming taon eh buo pa rin, hindi gaya ng mga kasabayan nila na nagkawatak-watak na. Hindi sila ang paborito ko pero masasabi ko na sa ngayon e sila ang dabest.

No comments: