Thursday, December 13, 2007

Blah blah

Iniisip ko pa lang ang mga pending ko sa trabaho, nahihilo na ako. Sa halip na medyo magrelak-relak na e, sangkaterba pa ang aasikasuhin. On the brighter side, mas ok na ito kesa sa iba na walang projects. May patutunguhan naman ang pagiging busy ko. Sana.

Pang-anim na lang ang Pilipinas sa SEAG. May balita na ibo-boycott natin ang natitira nating laban sa boxing dahil hindi na nila masikmura ang pandaraya ng Thailand. Isa lang kasi sa anim na lady boxers natin ang nanalo. Last time n'ung tayo ang host, pinaratangan din nila tayo ng malawakang pandaraya para maging overall champion tayo. Yun naman pala eh, they are just returning the favor to us. Weather-weather lang.

No comments: