Thursday, November 15, 2007

Another torturous travel


6am traffic just outside our house. Mukhang giyera na naman ito, tsk tsk tsk...

Ang lakas pa ng ulan kanina. No choice but to take an alternate route. 8 pesos na pamasahe naging P15.50 para lang makarating sa bayan.

Pagdating naman sa MRT, halos mabali ang kamay ko sa tulakan at siksikan. Yung driver ng FX na sinakyan ko ang may kasalanan eh. Tinanong ko kung magbababa siya sa northbound side ng North station, oo raw. Eh pagbaba niya ng mga pasahero sa southbound, hindi na nag-U turn ang mokong. Tinanong pa ako kung direcho ako Ortigas, 30 pesos lang daw. Engot pala 'to eh, pagagastusin pa ako ng malaki, eh may SV ticket naman ako. Akala niya makakaisa siya, huh. Kaya hayun, sa Quezon Ave. station ako sumakay ng tren na punung-puno na sa North station pa lang.

Kahapon naman nasiko ako sa dibdib. Hindi naman sinasadya kaya hindi ko na pinatulan. Pero ramdam naman niya yun, hindi man lang nag-sorry. Ay sana pala pinatulan ko. Ano naman kaya ang sasakit sa 'kin bukas?

Sa kabila ng lahat, masaya naman ako kasi magaling na ang mahal ko. =)

Wednesday, November 14, 2007

Bawal magkasakit

Nalulungkot ako kasi may sakit ang mahal ko. Absent siya ngayon sa work. Kahapon pa siya nilalagnat. Sana bukas magaling na siya.

Nalulungkot ako kasi hindi ako nakahabol sa pagdu-donate ng dugo para sa relatives ng boss ko. Masaya na rin kasi hindi na nila kailangan ng donors, meaning, nag-improve na yung conditions nila. Dalawa kasi yung na-dengue.

Kanina naman sobrang sakit ng tiyan ko sa FX pa lang. Yun yung pinaka ayokong maranasan. Eh bago ako umalis ng bahay, nagawa ko naman yung dapat kong gawin (pasintabi sa kumakain).

Tuesday, November 13, 2007

Trap-ik!

It's official: I should leave our house not later than 6am or I'll:

1. get stuck in traffic bottlenecks from trike terminal to Nova bayan (approx. 30-45 minutes).
2. get stuck in traffic bottlenecks from Sauyo to MRT North station (approx. 1 hour).
3. wrestle it out with hundreds of fellow MRT riders; or shell out extra bucks to get stuck in traffic bottlenecks from Kamuning to Santolan via FX (approx. 30-45 minutes).

That's 2 hours or more of hellish commute every morning. Dig it.

Monday, November 12, 2007

Lunes tunes

Lagi na akong maagang dumarating sa opisina simula nang makasama ko sa trabaho ang mahal ko. Madalas kami ang unang pasahero na dumarating sa FX terminal (kagaya kanina). Pero ok na rin dahil kahit papaano nakakaiwas sa trapik.

Sobrang dami na talaga ng tao sa Maynila. 6am pa lang, hindi na halos umuusad sa dami ng tao ang pag akyat sa MRT. Mas mabilis pa kung mag-bus ka na lang nang ganung oras dahil hindi pa masyadong masikip sa EDSA.

***

Wala nga pala ang boss ko today, may pre-nuptial shoot sila sa Subic ng labidabs niya. 600K ang wedding budget nila, sosyalin. Kami kaya ng mahal ko? hmmm...

***

Bad trip wala na akong makitang ring na katulad nung nawala ko na sukat sa 'kin. Patay tayo dyan.

Saturday, November 10, 2007

Keeping it cool

Papunta ako sa Monumento galing Novaliches. Pagdating ko sa SM North, hindi ako ibinaba ng driver sa malapit sa Annex dahil may mga MMDA raw. Hindi ko alam kung bawal na bumaba sa dating kong binababaan, o may problema siya sa batas trapiko. Ang init pa naman at halos 300 meters pa ang lalakarin ko kainitan ng umaga para makarating sa pinakamalapit na bus stop. Pagbaba ko, nakita ko yung ibang FX na nagbababa ng pasahero halos sa harap ng mga taga-MMDA. So, yung sinakyan ko pala ang may problema, at ako ang naperwisyo.

Ano kaya kung pinatulan ko at hinabol ko ng @#&$% yung driver ng FX? Hihinto kaya siya? Magpapang-abot kaya kami?

Pagsakay ko naman sa bus (aircon na Cher), inangasan ako ng konduktor dahil ayoko umupo sa nag-iisang bakanteng upuan sa dulo. Eh nagpaliwanag naman ako nang maayos na baka may bababa naman sa muñoz, eh ilang metro na lang naman, nandun na kami. Sabi ba naman sa akin, "Umupo ka nga muna at tayo ka na lang ulit kapag may bumaba, huwag mong harangan ang dadaan!" Anak ng tokwa ako lang naman ang nakatayo at halos nasa gitna na ako ng bus (at maluwag ang gitna kasi bagong modelo at malaki yung bus). Sumunod na lang ako para matahimik na siya.

Ano kaya kung sinagot ko yung kunduktor at sinabi kong, "Huwag ka masyadong maangas sa pasahero mo, baka bukas wala ka nang trabaho! Ano, isumbong kita kay Tito ***** (yung may-ari ng Cher, tito ng Mahal ko yun eh, so nakiki-tito na rin ako, syempre), pili ka kung saan ako tatawag, sa cel niya o sa bahay nila? Ano! &%@$ ka ah!!!"

Hay, buti na lang pinalampas ko na lang ang mga ito. Baka hindi ko na 'to naisulat kung nagkataon.

Friday, November 9, 2007

Happy weekend?

Friday na ulit, grabe, bilis ng araw. Makakabawi na ako sa mahal ko, salamat ng marami sa sideline ko.

Makakabili na rin ako ng pamalit sa nawala kong engagement ring (buti na lang hindi kamahalan yun).

***

Minsan kailangan mo rin munang isipin kung anu-anong pwedeng maging implikasyon sa pagtulong mo sa tao.

May kaibigan akong nagpahanap ng makukuhanan ng PC at tutulong sa pagtatayo ng internet shop. Canvass naman ako sa mga online contacts ko. Sa umpisa nakikisama ako sa usapan nila syempre, pero sa kinalaunan hindi na ako sumawsaw.

Hindi ko na-anticipate yung mga problema na pwedeng lumitaw (pricing agreement, schedule ng paggawa ng shop, delivery ng mga PC, etc.). Eh medyo hindi sila magkaayos sa mga bagay bagay kaya ako ang naging sumbungan nila. Ang nakakalito, hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng pawang katotohanan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na lang sana ako umepal.

Ang gusto ko lang naman eh makatipid yung kaibigan ko, at makatulong na rin pandagdag kita sa isang naghahanap buhay. NI SINGKONG CROSS-EYED EH HINDI AKO TUMANGGAP AT WALA AKONG BALAK NA MAGKA-KUMISYON DITO. Eh ang siste, puro kunsumisyon pa ang nakuha ko.

So kinausap ko silang dalawa na magkaharap sa Linggo (kasama ako) para plantsahin ang mga dapat plantsahin. Kaya abangan!

Wednesday, November 7, 2007

my minute monologue moment

Birthday ng mahal ko today + yung pera na inaasahan ko hindi dumating = binati ko siya at nangakong babawi ako sa Friday. Kahiya.

Yung boss ko namimigay ng 2 concert tickets ni Beyonce, eh kaso may nauna na akong lakad. Sayang.

Anlaki pala ng miscellaneous fee na babayaran ko sa future haus ko: 10,300 pesoses! Buwiset.

0-3 ang Ginebra sa mga huling games nila. Sana totoong dahil sa injury kaya hindi pa makapaglaro si Caguioa, at hindi lang nagpapakasarap pa sa bakasyon. Manalo matalo, BGK pa rin!

Sound trip na lang muna ako:


Apologize
Timbaland Presents One Republic

I'm holding on your rope
Got me ten feet off the ground
And I'm hearing what you say
But I just can't make a sound
You tell me that you need me
Then you go and cut me down
But wait...
You tell me that you're sorry
Didn't think I'd turn around and say..

That it's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late

I'd take another chance, take a fall, take a shot for you
And I need you like a heart needs a beat
(But that's nothing new)
Yeah yeah

I loved you with a fire red, now it's turning blue
And you say
Sorry like the Angel Heaven let me think was you,
But I'm afraid

It's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late
Woahooo woah

It's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, it's too late
I said it's too late to apologize, yeah yeah
I said it's too late to apologize, a yeah

I'm holding your rope
Got me ten feet off the ground...

Tuesday, November 6, 2007

Utang na loob naman!

I think nothing is more humiliating than keeping you reminded by someone of the act of kindness that he or she once offered to you, no matter how long it has been and how much effort you are giving in an attempt to reciprocate or return the favor.

I scratched your back so how dare you not to scratch mine?

Maybe because I have grown my nails so strong and sharp and scratching your back would be fatal.

Yes, you should be grateful because she helped you get a job nine years ago. But then you have worked hard all these years which made you establish your name and value in the company. You should owe your success to your self by this time. And if I'm the person that gave you the employment opportunity, I would feel somehow repaid by just seeing you advancing in your career.

Unfortunately, the actual grantor doesn't feel nor see it that way. She's too numb to notice it. Too bad, my friend.

Monday, November 5, 2007

Friday Foodfest



Mahal and I were invited as judges in a cooking competition by our fellow churchmates. Eight pasta-based dishes were tested, er, tasted and most of them were really good! Here are two of the entries, with matching presentation. =)


Friday, November 2, 2007

November na!

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh... May masusunugan at masusunugan dahil sa pagtitirik ng kandila. Dikit dikit na nga ang mga bahay na gawa sa plywood at karton, magsisindi pa ng sandamakmak na kandila para raw gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay.

Heto ang tanong... Kailangan pa ba silang alalahanin, kung hindi naman sila umaalis sa tabi natin? (awooooo!!!).

Bunga lamang ng malilikot na pag-iisip dala ng mahabang bakasyon. Wow, Friday pa lang pala. Excited na akong mag-work... *kawing-kawing*