Or it saves to ask, to put it literally; and better if you ask the right person.
Galing kami sa MegaClinic ni Mahal kahapon para magpa-Urine C/S G/S. Nakapag inquire na kami sa fee which is around 700 pesos. Buti na lang naisipan ni Mahal ko na bumisita sa HMO office para magbaka-sakaling covered siya ng benefits. Dati kasi sinubukan namin humingi ng request for Urinalysis pero nasopla kami nung nurse o OJT yata yun na hindi raw mako-cover kapag pregnancy related.
Buti na lang iba ang naka-duty kahapon. So nagtanong ulit si Mahal. Nung nalaman nila na buntis ang magre-request, sinabi lang na kelangan muna ma-assess ng accredited doctor kung ipapa-cover sa HMO yung particular lab test.
Wala pang 5 minutes, approved na yung request namin at nakatipid kami ng Php700 for the Urine C/S G/S. Buti na lang 85 pesos lang ang Urinalysis, kung hindi, ha-huntingin ko yung mga nagmarunong na HMO attendant na yun!
Wednesday, May 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment