Ngayon lang ako ulit nakabisita sa SSS Online at hindi ako makapaniwala sa ginawang downgrading ng nasabing website. Heto ang ilan sa mga nabago na syempre ang assumption nila ay mas makatutulong sa mga pobreng myembro nito:
1. Naging inutil na ang Online Inquiry dahil tinanggal na nila ang mga useful tabs like Member History, Actual Premiums, Loan Status.... Pagka-click mo, hihingan ka ulit ng username/password at pagka enter mo, ibabalik ka lang sa main page. Nakakabobo, di ba?
2. Ang pinalit nila sa Online Inquiry ay Request Records. Dati makikita mo in an instant yung mga kelangan mong info, pero ngayon, kelangan mo nang mag-request and you have to pick it up at their uber crowded metro branches. Heto pa ang malupit... MAGBABAYAD KA NA! Paano ko nalaman? Kapag nakagawa ka na ng request at nai-send sa 'yo yung confirmation via e-mail, dun mo lang malalaman na may babayaran ka. Wala ka nang magagawa, walang cancel or abort option man lang:
Hindi kaya pakana ito ng sangkot sa ZTE scandal? Dagdag kita mo ba ito, Sec?
3. May Schedule Appointment na sila. Sana lang pagpunta mo dun ay i-honor nila ang nai-set mong appointment sa kanila. Alam mo naman, sobrang busy sila kaya kelangan nilang mag check muna sa system nila na laging down para malaman nila kung sino-sino ang nakipag set ng appointment sa kanila. Again, walang option to cancel kaya hindi mo alam kung anong gagawin sa 'yo kapag hindi ka nakasipot sa appointment, wala silang pakialam sa idadahilan mo.
4. Online Transaction - Ito pinakawalang kwenta. Ang makikita mo lang ay "Maternity Notification" at pagka-click mo, sasabihin lang sa 'yo ay ganito (naisalin na sa tagalog):
"Hoy tanga, alam mo namang employed ka kaya dun ka magpasa sa opisina n'yo, at wala akong pakialam kung may tanong ka, gaga!"
Sana nasa "beta" phase lang muna itong mga pagbabago sa site nila dahil walang mapapala ngayon ang mga members sa ginawa nilang "improvements." Hayz.
Monday, March 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment