Kahit ilang beses nang napatunayan na sa bandang huli humaharurot ang Barangay Ginebra Kings ko, hindi pa rin mawala ang mga agam agam... E ang lalakas din ng mga imports ng ibang team, makahabol kaya sila?
Kagabi talo na naman sila, buti hindi ako nakapanood kundi sira ang tulog ko.
***
Kahapon galing akong bangko, at ang unang sumalubong na bati sa aking ng customer service attendant nila ay isang malutong na "PATAY!."
Hindi, "Hi sir," o "Good afternoon po." Isang kahindik hindik na... "PATAY!"
Heto ang buong linya niya sa abot ng aking pagkakaalala:
"PATAY, IPAPA-VERIFY PA NATIN ITO!"
Bakit kaya patay ang nasabi niya? E magpapa-encash lang naman ako ng cheke mula sa ibang branch nila at natapos naman ang verification in 30 minutes nang walang dumanak na dugo.
Freaky lady.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 epal:
Post a Comment