I'm back and seeking for vengeance. I can't help but to spatter in this blog my frustration while using MS Word 2007. I lost my two oh-so important documents in a span of three days and it really got into my nerves. Tried cheking the Web for possible solutions or even simple, straightforward explanation but went in vain and even encountered similar grievances among fellow Word 2K7 users. How pathetic.
***
Later today I'll send my boss an email requesting for a four-day work week. If granted, mahal and I will be saving more than 500 pesos every Wednesday. A 10-hour work day (in lieu of this request) isn't bad at all, since we always arrive in the office as early as 7am and leave at 6pm.
Friday, July 18, 2008
Wednesday, July 9, 2008
Waiting for E-Six
Mali ako, dapat kumain ako nang mas maaga para nakarating sa SSS at least before 7am. Ang nangyari, 7:30 na ako nakapagbigay ng form na ang katumbas ay apat na oras na paghihintay. Apat na oras na nakatayo ay 'di biro. Hindi ka naman makapagreklamo dahil ganito na talaga kakupad ang proseso. Parang bumabalik ka sa medieval ages.
***
Nakakatuwa at naging magka-kapit bahay pa kami ng aking dating highschool mate na si Christy. Kung di ako nagkakamali, first hanggang fourth year ay magkaklase kami. She has her own family na rin... grabe, tanda na talaga namin.

Monday, July 7, 2008
Tidbits
* Absent ang mahal ko ngayong Lunes courtesy of Kancura herbal tea.
* Panalo ulit ang Ginebra kagabi, yey!
* Parang patamad nang patamad na ang mga tao ngayon. Kaninang 6:30am, pagsakay ko ng FX mula megamall papuntang tektite, napansin ko yung dalawa pang pasahero na wala pang 200 meters ang tinakbo ng biyahe nila eh, bumaba na. Hindi sa pakialamero ako, pero kung nilakad na lang nila yun, bukod sa nakatipid ng 12 pesos, nakapagsunog pa ng calories. Pero sige, baka naman di nila kailangang magtipid, o kaya naman masakit ang mga paa nila.

Monday, June 30, 2008
Win win
What a way to rev up the brand new week... Nanalo si Pacquiao, nanalo ang BGK. Enough energy boost for another batch of bids, meetings and emails.
Wednesday, June 25, 2008
Point and shoot
Monday, June 23, 2008
Uniquely been there...
Marami akong gustong i-kwento sa tungkol sa pagpunta ko sa Singapore pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi dahil sa sobrang excited ako. It's just that wala masyado akong iku-kwento.
Huh?
***
Hindi ko naman nalibot ang buong Singapore so in fairness kay pareng Metro Manila, I won't make any comparison. Para makakuha kayo ng kumpletong impormasyon tungkol sa Singapore, check n'yo na lang wikipedia.
***
Ang mga sumususnod ay pansariling obserbasyon sa bansang ito batay sa aking karanasan sa loob ng apat na araw na pamamalagi roon:
1. Mainit din dun (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
2. Maraming puno at halamang bulaklakin sa highway
3. Parang 4 out of 10 na makakasalubong mo ay hindi Singaporean batay sa kulay at pananalita
4. Halos walang traffic build ups (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
5. Walang visible na usok na lumalabas sa mga sasakyan na ang normal na takbo ay 80-90 kph sa highway na mala-C5.
6. Legal ang sex work
7. Walang kanin at gravy sa KFC na nagtitinda rin ng Pizza Hut
8. Ang "Take Out" at "Dine In" ay "Take Away" at "Eat Here" sa kanila
9. Mahal ang cost of living
10. Maliwanag na maliwanag ang mga ilaw ng kalye at malls sa gabi

Monday, June 16, 2008
Commuter woes
Things that almost turned on my Monday mayhem mode again:
1. Overshooting the trike stop.
2. Blocking the ticket machine because he is yet to get his MRT ticket from his wallet.
3. Leaving the FX on the right side and hassling other passengers because he's seated on the left most side.
Kung hindi ko lang kasama ang mahal ko... hay naku.
***
My first plane ride tomorrow courtesy of a company-sponsored trip in Singapore. Need to skim over Air Travel for Dummies, baka mahalata ako, hehe.

Thursday, June 12, 2008
Sayang
Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako't di ako umabot sa sale ng Rudy Project last week dito sa Tektite. Yung mga items na sana nabili ko, puro regular priced na sa mga malls. Pumunta ako sa office nila and unlike other distributors holding offices here in Tektite, they don't entertain walk-ins. Sayang talaga, lalo na yung luggage na 7K plus na naging 3.2K na lang.
Friday, June 6, 2008
Oh Pepe, where art thou?
Kung hindi pa nagbalik-bayan Uncle ko, hindi ko mararamdaman ang papalapit na Araw ng Kalayaan. Pinasyal namin siya sa Intramuros two weeks ago at mukhang nag enjoy naman siya.
Sa hirap ng buhay ngayon, magdadalawang isip pa ang isang pamliyang pinoy sa pamamasyal sa Intramuros. Sa Fort Santiago, may entrance fee na 50 pesos. Pwera pa yung mga minimal charges sa portion ng Rizal Shrine (10 pesos). Sa Casa Real naman, 25 pesos. Di mo naman mae-enjoy nang husto kung maglalakad ka lang sa mga kalye at papasok sa dalawang antigong simbahan na nand'un.
So sa isang pamilya ni Juan na may apat na anak, kelangan niya ng at least 500 para sa isang araw na sulit na pamamasyal sa Intramuros. Paano kung si Juan ay nakiki-boundary lang sa tricycle o patanggap tanggap lang ng trabaho sa construction? Walang kaso sa mga turista kaso sana may subsidized portion pa sana ang gobyerno para sa mga tumatangkilik ng sariling atin.
***
Nakakagaan ng pakiramdam kapag naa-appreciate ng ibang lahi ang kasaysayan natin. Nabasa ko kasi yung visitor's logbook ng Rizal Shrine, gaganda ng comments nila tungkol kay Rizal. May mga nagbigay rin ng donation para sa museum. Kung pwede lang sana na mas madalas ako makaramdam ng kasiyahan dahil sa pagiging Pinoy ko, hindi tuwing may boxing lang si Paquiao.

Thursday, June 5, 2008
War zone
Isa na namang madugong araw. Tambak ang mga dokumentos sa mesa ko. Kahit anong ayos, gugulo at gugulo sa dami ng mga papel. Well, kaya nga technical documentation. Makes sense, somehow.
2 urgent projects plus documentation plus unlimited "paki." Paano ako makakatapos nito? Hay naku.

Subscribe to:
Posts (Atom)