Monday, June 30, 2008
Win win
What a way to rev up the brand new week... Nanalo si Pacquiao, nanalo ang BGK. Enough energy boost for another batch of bids, meetings and emails.
Wednesday, June 25, 2008
Point and shoot
Monday, June 23, 2008
Uniquely been there...
Marami akong gustong i-kwento sa tungkol sa pagpunta ko sa Singapore pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi dahil sa sobrang excited ako. It's just that wala masyado akong iku-kwento.
Huh?
***
Hindi ko naman nalibot ang buong Singapore so in fairness kay pareng Metro Manila, I won't make any comparison. Para makakuha kayo ng kumpletong impormasyon tungkol sa Singapore, check n'yo na lang wikipedia.
***
Ang mga sumususnod ay pansariling obserbasyon sa bansang ito batay sa aking karanasan sa loob ng apat na araw na pamamalagi roon:
1. Mainit din dun (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
2. Maraming puno at halamang bulaklakin sa highway
3. Parang 4 out of 10 na makakasalubong mo ay hindi Singaporean batay sa kulay at pananalita
4. Halos walang traffic build ups (nag-compare na ba ako, nag-compare na ba ako, ha?)
5. Walang visible na usok na lumalabas sa mga sasakyan na ang normal na takbo ay 80-90 kph sa highway na mala-C5.
6. Legal ang sex work
7. Walang kanin at gravy sa KFC na nagtitinda rin ng Pizza Hut
8. Ang "Take Out" at "Dine In" ay "Take Away" at "Eat Here" sa kanila
9. Mahal ang cost of living
10. Maliwanag na maliwanag ang mga ilaw ng kalye at malls sa gabi

Monday, June 16, 2008
Commuter woes
Things that almost turned on my Monday mayhem mode again:
1. Overshooting the trike stop.
2. Blocking the ticket machine because he is yet to get his MRT ticket from his wallet.
3. Leaving the FX on the right side and hassling other passengers because he's seated on the left most side.
Kung hindi ko lang kasama ang mahal ko... hay naku.
***
My first plane ride tomorrow courtesy of a company-sponsored trip in Singapore. Need to skim over Air Travel for Dummies, baka mahalata ako, hehe.

Thursday, June 12, 2008
Sayang
Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako't di ako umabot sa sale ng Rudy Project last week dito sa Tektite. Yung mga items na sana nabili ko, puro regular priced na sa mga malls. Pumunta ako sa office nila and unlike other distributors holding offices here in Tektite, they don't entertain walk-ins. Sayang talaga, lalo na yung luggage na 7K plus na naging 3.2K na lang.
Friday, June 6, 2008
Oh Pepe, where art thou?
Kung hindi pa nagbalik-bayan Uncle ko, hindi ko mararamdaman ang papalapit na Araw ng Kalayaan. Pinasyal namin siya sa Intramuros two weeks ago at mukhang nag enjoy naman siya.
Sa hirap ng buhay ngayon, magdadalawang isip pa ang isang pamliyang pinoy sa pamamasyal sa Intramuros. Sa Fort Santiago, may entrance fee na 50 pesos. Pwera pa yung mga minimal charges sa portion ng Rizal Shrine (10 pesos). Sa Casa Real naman, 25 pesos. Di mo naman mae-enjoy nang husto kung maglalakad ka lang sa mga kalye at papasok sa dalawang antigong simbahan na nand'un.
So sa isang pamilya ni Juan na may apat na anak, kelangan niya ng at least 500 para sa isang araw na sulit na pamamasyal sa Intramuros. Paano kung si Juan ay nakiki-boundary lang sa tricycle o patanggap tanggap lang ng trabaho sa construction? Walang kaso sa mga turista kaso sana may subsidized portion pa sana ang gobyerno para sa mga tumatangkilik ng sariling atin.
***
Nakakagaan ng pakiramdam kapag naa-appreciate ng ibang lahi ang kasaysayan natin. Nabasa ko kasi yung visitor's logbook ng Rizal Shrine, gaganda ng comments nila tungkol kay Rizal. May mga nagbigay rin ng donation para sa museum. Kung pwede lang sana na mas madalas ako makaramdam ng kasiyahan dahil sa pagiging Pinoy ko, hindi tuwing may boxing lang si Paquiao.

Thursday, June 5, 2008
War zone
Isa na namang madugong araw. Tambak ang mga dokumentos sa mesa ko. Kahit anong ayos, gugulo at gugulo sa dami ng mga papel. Well, kaya nga technical documentation. Makes sense, somehow.
2 urgent projects plus documentation plus unlimited "paki." Paano ako makakatapos nito? Hay naku.

Subscribe to:
Posts (Atom)