Monday, August 17, 2009

Katawang laman

"Nothing to worry," says doc after reading the result of Mahal's biopsy. A big sigh of relief and bigger reason to thank Him (not the doc) for hearing our devotional prayers.

***

It's my turn to wait for my neck x-ray result. It took me almost a month before I decided to have it checked due to its unusual recurring stiffness and mild pain. The doc suspects a neck spasm. Hope nothing really serious.

Thursday, August 13, 2009

Joey de Leon says it all

I'm not an avid fan of the writer and will not express my thoughts on this new scandal of Willie anymore (sobrang dami na, di na ako makikisawsaw); I just want to share Joey's poem for those who do not read The Philippine Star (a local broadsheet).

The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally

Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa 'kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika'y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
"Sandali, meron akong ano... sa'ting ano...
Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit,
"Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..."
At 'di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
"I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..."
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan.

At 'di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw,
Mga nakarinig 'di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la'y napa-wow!

"... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya't wala na rin mga paliwanag mo.

"Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
"On camera" baga sa TV ang tawag d'yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa 'yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at 'yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika'y maa-abswelto,
'Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n'yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang "glitch" lang,
Tulad ng "two-zero" 'di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s'ya,
Subalit ang nangyari'y mabigat talaga,
Namayapang pangulo'y huling paalam na,
'Di mo pa pinagbigyan ... hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s'yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga'y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.

Tuesday, August 11, 2009

Hope

Two things:
We got the biopsy result last week. The explanation is quite technical in the medical sense but there is a "benign" word which I think tells a very good meaning. Babalik kami kay dok bukas para malaman namin ang buong kwento.

***

Team Pilipinas (Powerade) is doing good in the current Fiba Men's Championship. Don't mind the detractors; basketball - no matter how vertically challenging it is for us - has become our deep-rooted national passion. We cannot deny this fact. Kaya manalo-matalo, ayos lang.

(pic courtesy of china2009.fiba.com)

Looking forward to Philippines (Smart Gilas) Team when they reach their full potential in the very near future. GO PINOY!

Friday, July 24, 2009

Mabilisan lang

SCENE: Our Ayel was dedicated to Our Lord last Sunday.




SEEN: In just two months after going under the knife, Mahal will take another visit at the OR for a breast mass excision. She was discovered having small cystic lumps in her breasts. Hopefully the surgical biopsy shall give favorable result.

Friday, June 19, 2009

My First Dad's Day as a Dad

Isa na ako sa mga nakakatanggap ng Father's Day greetings. Para siyang yearly certificate of accomplishment or recognition for passing paternal courses. For me, I guess makakakuha ako ng good grades sa Baby Diaper Changing 101, Baby Supplies Buying 101 at Baby Feeding 101. Medyo kinaya naman ang puyatan kahit "overnight classes" ang mga ito.

So sa lahat ng mga tatay dyan, isang pagbati sa inyo this coming June 20, and we really deserve more than a mug on that day. =)

Thursday, June 4, 2009

Our Ayel has Arrived!

May 23, 2009

10am - Mahal and I planned to go to Robinsons to buy additional baby stuffs, but after going to a specialty clinic referred by my mom to check for their maternity package (though we have agreed to go to New Era Hospital when the time comes).

11am - We arrived at Drueco Specialist Clinic and registered at the nurse station so we could have a record and an initial check up by the Ob-Gyne doctor on duty. This was when we found out that Mahal was already in labor and her cervix had opened na pala @ 3cm! So we have to postponed our shopping.

12noon - Mahal was admitted while I got back to our house to get extra clothes for her and our baby (thanks sir Toyie for the baby gifts last December).



1pm - She went to active labor. Hindi ko maisip ang sakit na nararamdaman ng isang nagli-labor. All I know is I had to be strong and must convince her to be strong as well for our baby. Though she tried to tell me how painful it was:





7pm - Mahal was transferred to the Delivery Room after mag-8cm siya.

On this moment, I was overwhelmed by mixed emotions, same feeling when I was about to get married.

8:10pm - May narinig na akong iyak ng baby!



Ayel was taken out of the Delivery Room and I got to see my son for the first time...




Tatay na ako. =)




Definitely, this is just the end of the beginning of a wonderful journey called parenting.

Thursday, May 21, 2009

Argh! Ugh!

Almost 3 hours kami pinaghintay ng bago sanang OB-Gyne ni Mahal. N'ung una kinausap lang kami sa cellphone at kumatulong na lang ng isang doktor na kamukha ng mga cast ng japanese horror Infection. Ngayon naman nagpa-antay ng isa't kalahating oras at pagbalik namin, namuti na ang mata namin at wala pa rin siya. 1-3 ang schedule niya, so 3:30 umalis na kami.

***

Biglang na lang nag-"no network coverage" yung SIM ko kahapon. Pucha akala ko magpapalit na naman ako ng SIM eh wala pang limang buwan nung nasira yung dati kong SIM. Buti na lang bumalik sa normal kagabi. Malas lang, kinain na yung load ko.

Thursday, May 14, 2009

Dugs

Feeling Employer: Ano n'ang nangyari sa pinapa-update ko?
Empleyado: Ay ma'am, na email ko na po sa inyo.
Feeling Employer: Kaya nga tinatanong ko sa 'yo kasi hindi pa ako nakakapagbukas ng computer.

Papaano maiisa-isa ni empleyado ang laman ng Excel file na pina-update sa kanya, at anong mapapala ng Feeling Employer kung isa-isahin sa kanya yun? Abangan!

Wednesday, May 13, 2009

Our Ayel's Development: Week 37



Foetal development during week 37 of being pregnant - Ayel's head may engage, dropping right down into the cervix ready for birth.

My Wife

Mahal may have a sudden urge in the last few weeks to decorate, bake or even start patchwork cot covers, this is known as 'nesting' but not all women experience this. She may feel hot all the time, because your body is working extremely hard. You have more blood circulating and are burning more calories.

-- Exactly what I've been noticing to her this week. Kaya todo bantay siya sa paggawa ng kuwarto ni Ayel kahit pinagbabawalan ko sumilip nang matagal dahil umaamoy yung pintura.

Tapos kagabi kelangan ko itutok yung aircon sa kanya dahil init na init daw siya. So ayun... kaya pala. =)

Ayel

He is now much plumper and his lungs are ready for the birth. As birth approaches, the amniotic fluid inside Mahal's womb has begun to diminish and Ayel is growing to fill the space. His head may engage, dropping right down into the cervix ready for birth. He should settle with his head facing down and tummy facing your back.

Research suggests it's Ayel's hormones that kick-start labour. When he is ready to emerge his brain will trigger the production of hormones that stimulate the uterus to encourage contractions. His face is filling out, and now has eyelashes. His neck is now thickening and his eyelids can now open and close easily.



Infos courtesy of http://www.askbaby.com.

Tuesday, May 12, 2009

PacMania

HappySlip Greeting for Manny!