Monday, March 16, 2009

SSS (Super Stupid System)

Ngayon lang ako ulit nakabisita sa SSS Online at hindi ako makapaniwala sa ginawang downgrading ng nasabing website. Heto ang ilan sa mga nabago na syempre ang assumption nila ay mas makatutulong sa mga pobreng myembro nito:

1. Naging inutil na ang Online Inquiry dahil tinanggal na nila ang mga useful tabs like Member History, Actual Premiums, Loan Status.... Pagka-click mo, hihingan ka ulit ng username/password at pagka enter mo, ibabalik ka lang sa main page. Nakakabobo, di ba?

2. Ang pinalit nila sa Online Inquiry ay Request Records. Dati makikita mo in an instant yung mga kelangan mong info, pero ngayon, kelangan mo nang mag-request and you have to pick it up at their uber crowded metro branches. Heto pa ang malupit... MAGBABAYAD KA NA! Paano ko nalaman? Kapag nakagawa ka na ng request at nai-send sa 'yo yung confirmation via e-mail, dun mo lang malalaman na may babayaran ka. Wala ka nang magagawa, walang cancel or abort option man lang:



Hindi kaya pakana ito ng sangkot sa ZTE scandal? Dagdag kita mo ba ito, Sec?

3. May Schedule Appointment na sila. Sana lang pagpunta mo dun ay i-honor nila ang nai-set mong appointment sa kanila. Alam mo naman, sobrang busy sila kaya kelangan nilang mag check muna sa system nila na laging down para malaman nila kung sino-sino ang nakipag set ng appointment sa kanila. Again, walang option to cancel kaya hindi mo alam kung anong gagawin sa 'yo kapag hindi ka nakasipot sa appointment, wala silang pakialam sa idadahilan mo.

4. Online Transaction - Ito pinakawalang kwenta. Ang makikita mo lang ay "Maternity Notification" at pagka-click mo, sasabihin lang sa 'yo ay ganito (naisalin na sa tagalog):

"Hoy tanga, alam mo namang employed ka kaya dun ka magpasa sa opisina n'yo, at wala akong pakialam kung may tanong ka, gaga!"

Sana nasa "beta" phase lang muna itong mga pagbabago sa site nila dahil walang mapapala ngayon ang mga members sa ginawa nilang "improvements." Hayz.

3 Stories

Three movies over the weekend was good 'nuff of a break after a 5 mentally atrophic office days:

Friday: Shrooms - Virus meets Gothika. Ito ang hirap kapag nasanay na sa mga palabas na yung twist ng istorya ay ipapakita sa last minutes nung film. Mahirap na ma-enjoy yung kwento kasi mas ina-anticipate mo na there was something behind all the crimes and it will be exposed before the credits show up.

Saturday: Slumdog Millionaire - It reminds me of Lino Brocka/Ishmael Bernal social realist genres pero ang pagkakaiba nila happy ang ending. Kakabilib umarte yung mga batang Jamal, Salim at Latika who, if I'm not mistaken, are amateurs in acting. Nakatulong din kasi siguro yung tunay na pamumuhay ng mga bata, na kung hindi ako ulit nagkakamali, kinuha sila sa slum area ng India. From the dynamic direk Danny Boyle (Remember Trainspotting?).

Sunday: Changeling - 2 things:
1. Mahabang komentaryo ng bulok na sistema noon na kita pa rin ngayon (Ho-hum).
2. My first encounter of the word 'Changeling.'

Wednesday, March 11, 2009

Tipid Mode

Ang tagal pa ng sweldo, aarrgh! - tipikal na reaksyon ng isang certified manggagawa.

Sa ngayon, tiis tiis muna kami ni mahal. Hindi muna makakakain sa Yoshi at Wham, hati muna sa medium size na Mango Frugurt ng Fruit Magic, at wala munang bili bili ng ng kung anu-ano.

***

So far, so good ang baby namin ni mahal after their check up. Sobrang likot (lalaki talaga), hirap yung OB niya na ma-steady yung Fetal Doppler Baby Heart Beat Monitor aaahhhhhhh(habol hininga).

Next check up would be on the 31st.

Tuesday, March 10, 2009

Live to work?

Hindi ko natapos ang isa sa tatlong proposals kahapon.
At ang proposal na ito ay nanganak ng isa pa.
Plus may isang presentation pa ako na gagawin...

But wait, there's more!

Isang bid document at mga request letters sa clients.

Lahat dapat matapos today.

Please give my life back!!! T-T

Mamaya check-up ni mahal for her 6th month of pregnancy. Balitaan ko kayo bukas.

Monday, March 9, 2009

Thank you, Master Rapper...

Enough poetic excuses. This blog could be one of my few legacies to my loved ones so I'd better take care of it as if each day would be my last.

Sad news to all Pinoys last weekend. Francis Magalona succumbed to 4th-stage leukemia after a gallant battle with it which I think lasted for seven months. I checked his multiply account and read his last posts that reflected his burning passion to life and undefiable hope of winning over earthly death.

Salamat sa lahat, kababayan ko...

***

Just had breakfast with our Prez and the 'twas first time I was asked to go with him without the rest of the early bird guys.

Free breakfast = Confidence level upgrade = Workload = Monday, it is!

Anyways, gusto ko pa sana magkwento pero past 9a.m. na and I have 3 proposals to complete today. Ciao!

Tuesday, February 24, 2009

Blog Coma

It struck me without warning, without mercy.

Thanks for this dose of occupational idleness...

Dalaw lang...

Galaw galaw lang...

Lapit na anniversary namin...

Then in a few months more, our Ayel (Jan Daniel) will arrive!

Friday, November 21, 2008

Naghahabol-naghahabol!

Hay naku, heto na ang masamang impluwensiya ng sobrang subsob sa trabaho. Ayoko man isubsob, wala akong magawa kundi sumubsob. Kapalit na yata ito ng dagdag na sahod. Dagdag na sahod? Meh ganooon!!!??? (Langyang mga FX na yan, nahawa na ako kay Mr. Foo).

Ilan sa mga na-miss ko ikwento:
Unang-una, ang pagbati ko sa aking mahal na asawang buntis noong Nov.7
Ikalawa, ang unang sulyap namin sa aming baby sa ultrasound. Buo na pala siya kahit wala pang 2 months. Kakatuwa, nagteary-eyed nga si tatay e. T_T
Ikatlo, ang aking pakikiramay sa aking Tiyo at mga pinsan sa Laguna kasi namayapa na ang aking Tiya Nineth.

Ano pa ba... ito lang muna.

Friday, October 10, 2008

Ikariam



Nakaka-adik na browser-based game. But unlike DOTA na kelangan nakatutok ka sa buong laro, this is more relaxed yet has more interesting gameplay. Same level of addiction? Could be.

Mas safe din laruin sa office. Just add another tab in IE/FF/Opera.

Here are my first town's current stats so far (less than a month pa lang ako nakigulo eh):



More details here.

Thursday, October 9, 2008

Cycle of Life

A day after we found out that Mahal is almost 6 weeks pregnat, a sad news about the demise of my mother-in-law's parent came. I guess Lola Oseng had been sick and bed-ridden for almost a year and she wasn't able to travel all the way from Cabanatuan to attend our wedding. Fortunately, we managed to see her twice while she was ok back then and when she'd undergone an operation.

Bye, lola.

Wednesday, October 8, 2008

Daddy Danny?



Speechless. Priceless. =) =) =)